“VAPE-DEMIC” MAAGA PA’Y DAPAT MASAWATA

Ang pagtaas sa paggamit ng e-cigarette, lalo na sa mga kabataan ay isang mapanganib na kausuhan na may totoong banta sa kalusugan. Sa maraming kadahilanan, ang mga e-cigarette ay hindi dapat isulong bilang isang ligtas na alternatibo sa paninigarilyo. Ang pagtaas ng paggamit ng e-cigarette o tinatawag ding “vaping” ng mga bata at kabataan sa nakaraang mga taon ay isang malubhang banta sa pampublikong kalusugan. Ang mga aparatong pinapagana ng baterya ay may maraming uri at maaaring maging kamukha ng mga pangkaraniwan at nakasanayang
sigarilyo, mga pluma o maging magagarang gadget-teknolohiya.

Nilalanghap at ibinubuga ng mga gumagamit ang isang paran singaw na aerosol kung saan ang paraang ito ng pagkuha ng nikotina ay nagdudulot ng mga panganib sa kalusugan kapwa sa mga gumagamit at hindigumagamit. Ipinapalagay ng mga nagsusulong ng e-cigarette na ang mga aparato ay makakatulong sa tao na ihinto ang paninigarilyo, subalit higit pang mga ebidensiya ay kinakailangan upang matiyak kung epektibo nga silang paraan upang huminto. Ipinapahiwatig ng pananaliksik na mas malamang ang mga gumagamit ay magpapatuloy na manigarilyo kasama ang “vaping”, na tinatawag na “dalawahang gamit”.

Iniisip ng maraming tao na ang vaping ay hindi gaanong nakakapaminsala kaysa paninigarilyo. Bagaman totoo na hindi isinasama sa e-cigarette aerosol ang lahat ng mga kontaminante sa paninigarilyo ng tabako, hindi pa rin ito ligtas. Sa kabilang banda, ang pinakamalaking banta ng e-cigarette sa pampublikong kalusugan ay ang muling gawing normal ang paninigarilyo dahil sa tumataas na popularidad ng vaping, na bumaba na sa maraming taon. Babaligtarin ang mga pakinabang na pinahirapang natamo sa pandaigdigang pagsisikap upang puksain ang paninigarilyo ay magiging kapaha-pahamak.

Ang paninigarilyo pa rin ang nangungunang maiiwasang sanhi ng kamatayan at responsable sa halos 8 milyong
pagkamatay bawat taon sa buong mundo ayon sa World Health Organization (WHO). Ang industriya ng “vaping” ay mabilis na lumalago at maraming pag-aaral ang nagpakita na ang kausuhang ito ay nakatakdang magpatuloy. Ayon sa isang ulat na nailathala sa Business Research Insights, ang pandaigdigang merkado ng ng e-cigarette ay hinuhulaang aabot sa $40 bilyon sa taong 2028. Ito ay maaaring base sa pagkumpara sa bilang ng gumagamit ng vape sa karibal nito sa merkado na tabako: 82 milyon gumagamit ng vape laban sa 20 milyon na gumagamit ng tabako ayon sa pananaliksik ng Global State of Tobacco Harm Reduction.

Marahil pangunahing dahilan ng nagpapatuloy na paglaganap ng vape ay ang tumataas na pang-unawa na ang mga alternatibo gaya ng vaping ay maaaring mas ligtas na pagpipilian kaysa tradisyunal na mga sigarilyo. Sinabi ng WHO na mayroong 1.3 bilyon ang gumagamit ng tabako sa buong mundo sap ag-uumpisa ng 2022, at ang pagkalat ng paninigarilyo ay nananatiling matatag sa mga taon. Gayunman, sa tumataas na kaalaman tungkol sa masamng epekto ng tabako, lumilipat ang mga tao sa mas ligtas na alternatibo. Nais ng mga kompanya ng tabako na kalawitin ang bagong henerasyon sa nikotina at paninigarilyo. Gumagastos sila ng mahigit $8.2 bilyon sa agresibong pagbebenta noong 2019 pa lamang. Mas higit ito sa $22 milyon araw-araw at halos $1 milyon bawat oras.

Malapit sa 76% ng middle at high school students (3 sa bawat 4 na bata) ang nalantad sa tobacco product advertising
noong 2021 at halos 74% ng mga estudyante ang nakakita ng may kinalaman sa e-cigarette posts at content sa pamamagitan ng social media. Maraming kabataan ang nagsabing sinubukan nila ang e-cigarette dahil sa nakakaakit na lasa at mas marami ang mas gusto ang may flavor. Ang laki ng merkado ng e-cigarette at vape ng Pilipinas ay nasa USD113.6 milyon noong 2023 at inaasahang lalago sa isang compound annual growth rate (CAGR) na 18.7% mula 2024 hanggang 2030.

Ang paglago ng industriya ng e-cigarette at vape sa Pilipinas ay maaaring pangunahing inuugnay sa pag-aakalang ang vaping ay mas hindi gaanong nakakapinsalang alternatibo sa karaniwang paninigarilyo, na nagbunsod sa pagtanggap sa mga produktong ecigarettes at vape sa mga tao na naghahanap ng isang pagpipilian na walang-tabako. Ang kahandaan ng isang maraming uri ng flavored e-liquids at ang panlipunang pang-akit na nauugnay
sa vaping ay nakakaambag din sa malawakang paggamit ng mga produktong e-cigarettes at vape, lalo na sa mas batang demograpiko, sa gayon itinutulak ang paglago ng mercado.

Maliban sa pangmatagalang mga epekto ng e-cigarettes at ang malinaw na sinasabi ng siyensiya na ang “vaping” ay hindi isang ligtas o mabuting alternatibo sa paninigarilyo, ang pinsala sa kapaligiran ay malaki ring isyu. Ang malaking bilang ng “disposables” na itinapon ay magreresulta sa karagdagang basurang plastik, na daragdag sa milyon-milyong tonelada taontaon na hindi maayos na nare-recycle. Higit dito ay ang mga bateryang nilalaman ng e-cigarettes. Dumadagsa ang merkado ng e-cigarettes sa gitna ng pangangailan para sa komprehensibong regulasyon at pagpapatupad at ang patuloy na lantarang pagsasawalang-bahala sa mga proseso ng regulasyon, lahat ay sa kapinsalaan ng kabataan ay hindi dapat payagan ng gobyerno, ng lipunan, ng komunidad at ng pamilya.

INIT AT ALAB

Amianan Balita Ngayon