COMELEC, NAGBIGAY PAALALA SA KANDIDATO NG BARANGAY ELECTIONS

BAGUIO CITY

Nagsagawa ng forum ang Commission on Elections- Education and Information Department para sa mga kandidato sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE),na ginanap sa University of the Cordilleras, noong Agosto 31. Ang programa ay dinaluhan nina COMELECCAR Regional Election Director Atty. Julius D. Torres, COMELEC-CAR Assistant Regional Director Atty. Vanessa Mico-Roncal, COMELEC Commissioner Rey E. Bulay, Benguet Provincial Election Supervisor Atty. Elenita Juliana A. Tabangin-Capuyan, at Baguio City Election Officer Atty. John Paul A. Martin.

Ang aktibidad ay nagsilbing kick-off ng nationwide #ResponsablengKandidato campaign ng COMELEC. Tinalakay sa naturang forum ang mga pangunahin at mahahalagang impormasyon
tungkol sa mga dapat malaman ng mga nais tumakbo sa nalalapit na halalan sa Oktubre 30. Unang tinalakay ang paksa tungkol sa iskedyul ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), kung saan
inilahad ni Atty. John Paul Martin na sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2 lamang ang filing ng COC.

Mahigpit na ippatupad din ang pagbabawal na magdadala o’ pagbiyahe ng mga armas at bala habang umiiral ang election period na magsisimula sa Agosto 28 hanggang Nobyembre 29, 2023.
Ito ay sinundan ng usapin tungkol sa sampung paalala ukol sa BSKE 2023 sa pamamagitan ng pagpapahayag ni Information Officer Frances Andrea K. Alonzo, representatibo ng COMELEC Education and Information Department. Matapos ang makabuluhang talakayan, pinangunahan ng mga opisyal ng COMELECCordillera ang pagpapadaloy ng open forum upang sagutin ang mga katanungan na mula sa mga tagapakinig.

Sonia Nadia B. Botigan/UC Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon