COMELEC Pangasinan handa na sa May 9 halalan

LUNGSOD NG DAGUPAN – Isasagawa ng Commission on Elections (Comelec) sa Pangasinan ang pag-test at pag-seal sa mga vote-counting machines (VCMs) sa Mayo 6 habang inihahanda ang personnel at security plans tamang-tama para sa Mayo 9 na halalan.
Sa isang panayam sa telepono noong Miyerkoles, Abril 27, sinabi ni provincial election supervisor Atty. Ericson Oganiza na dumating na sa probinsiya ng mga VCM at naimbak sa isang ligtas na lugar habang hinhintay nila ang pagdating ng contingency machines.
May kabuuang 3,339 VCM ang para sa probinsiya ng Pangasinan. “There will be simultaneous nationwide final testing and sealing on May 6 for the Ilocos Region,” aniya.
Sinabi ni Oganiza na ang electoral boards ay binubuo ng mga guro ay kumpleto na rin habang inihanda an rin nila ang isang listahan ng substitutes sakaling kakailanganin.
“There are three electoral boards and support staff, technicians, and coordinating officers,” aniya. Sinabi ni Oganiza na maliban sa honoraria, transportation allowance, at communication allowance, at iba pa, isang coronavirus disease 2019 (Covid-19) kit allowance ang idinagdag sa mga benepisyo ng mga guro na magsisilbi sa halalan.
Pinaalalahanan niya ang publiko na ang iskedyul ng pagboto ay mula 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.
Samantala, nasa 240 personnel ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) at mga miyembro ng PNP-Maritime Group ang pormal na bumoto sa unang araw ng tatlong-arae na local absentee voting (LAV) noong Miyerkoles (Abril 27).
Sa siang panayam, sinabi ni PPPO director Col. Richmond Tadina na 230 Pangasinan police personnel ang kumuha sa LAV habang 10 officers ay mula sa maritime group.
“Ito yung mga personnel namin na mula sa ibang mga probinsiya at bayan sa Pangasinan na naka-distino malayo kanilang lugar kung saan sila nakarehistro,” aniya.
Pinayagan ang mga opisyal ng police na bumoto ng mas maaga bago ang aktuwal na eleksioyn dahil mga frontline security sila sa panahon ng halalan.
Maaaring bumoto ang mga absentee voter ng mano-mano para lamang sa mga posisyon na: president, vice president, senators, at party list, at ituturn-over ang mga balota sa Comelec.
Ang vote vanvassing para sa absentee voting ay gagawin sa Comelec main office sa Intramuros gabap na 7 ng gabi, agad pagkatapos ng pagsasara ng mga polling precinct sa buong bansa.
Maliban sa mga pulis, sundalo, at ilang empleyado ng gobyerno, at media practitioners ay pianayagan na makalahok sa LAV.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon