COVID… Perwisyo sa Mundo!

Anak ng kamalasan….ano ba ireng nangyari sa mundo, pards. Kung baka sa Italya, ito ang sinasabing Buenas-Malas, sa Pransiya…bhuwiseyt! Sa Germany…”malasen”, Sa Japan, “karaoke, eheste Perwisyosan!” At sa China kung saan galing yang lin…tk na Covid…”Kosing paosiyo”….singkong siopao na lang ang kayang bilhen ng mga naghihirap nating kababayan dahil sa gutom, kung meron mang singkong siopao.

In short sa wikang pandaigdig: PWE! In short…lahat na ng puwede nating gamiting terminolohiyang pambanat o panghambalos sa tinamaan ng malas na Covid na ire ay andiyan na…andito na sa ating dibdib hanggang sa kumakalam na sikmura. Pero…ano man ang
sungalngal…kaya ba nating tumbahin si Covid? Sobra na ang perwisyong idinulot nito sa mundo, kaya iisa na ngayon ang piyesa ng mga himig: saan kaya hahantong si Covid? Sa mas marami pang buhay na malalagas? Tanong: bakit at ano bang sanhi bakit sandamakmak na ang pinatay ni Covid?

******
Unahin natin ang mga praktikal na upak ng masa kung bakit ganito na ang ibinunga ni Covid sa mundo. Unang sipa: papano ba ang simula sa Tsina? Bakit daw “Made in China?” Sabi ng mga bumibili ng spare parts…kapag Made in China, may kahinaan daw. Eh, bakit ang Covid na produkto nila…singtibay yata ng lahat ng kalintekan at kamalasan sa ibabaw ng mundo.

Sa halos dalawang milyon nang nagpositibo sa Covid-19, hindi na masasabing “mahinang klase ang Made in China”. Mahigit sa isangdaang libo na ang namatay sa mundo. Tiyak na maragdagan pa ito hangga’t walang gamot. Sabi sa isang ulat, may natuklasan daw ang Tsina na bakuna.

Susubukan na raw ito sa tao. Tsk tsk…baka sa pulgas pa lang ang naimbentong bakuna. Pero sabi ng Pilipinas, handa itong sumubok at pagamit sa bakunang yan kung kinakailangan. Ibig sabihin, susuungin lahat ni Pinoy ang paraan upang masawata si Covid-19. Pero teka…balikan natin si Tsina na otor ni Covid.

Maraming bansa na sa kasalukuyan ang bumubulyaw laban sa kanila (China) dahil kay Covid.

Pero teka ulit, pards…bakit ngayon lang?

Marami na ang tepok sa iba’tibang bansa, bakit ngayon lang sila pumiyok? Di ba noong unang may mga biktima na sa kanila…bumanat na sila?

E…bakit ngayon lang? Isang ehemplo na lamang ay ang Amerika. Di ba parang kibitbalikat lang sila noong una. Pero noong sila na ang “top notcher” sa bilang ng positive Covid…todo-bunganga na sila.

Tiyak ganyan din marahil ang ibang bansa na sa ngayon ay nagpaparamihan na ng “casualties”. Tsk tsk..grabe na talaga ang upak ni Covid. Daplis nga ng isang produkto ng mga giyera sa daigdig: masahol na raw ito sa isa pang panibagong giyera.

Kinakabahan kami…pero…parang totoo yata ang upak ng mga beterano sa giyera.
******
Ang malaking tanong: sa dinami-dami na mga malalaki at mauunlad sa teknolohiya na mga bansa na tinamaan na rin ni Covid-19, bakit wala pa sa kanila ang nakakapagpalabas ng kanilang tuklas na gamot dito? Super galing sila kung sa siyensiya at teknolohiya ang usapan…pero bakit makupad yata sila ngayon sa pagtuklas sa pamuksa kay Covid? Ano bang rason?

Marami na tayong napanood na pelikula hinggil sa mga virus na sa dulo ay napupuksa nila. Pero sa ngayon na totohanan na ang laban…mabagal yata ang mga prodyuser at director na makabuo ng istratihiya upang bakahin si Covid? May malalim bang dahilan upang parang sadyang mabagal ang lunas at panoorin na lang ang mga eksenang dumarami na ang mga namamatay?

Hanggang kailan maghihintay ang mundo sa ganitong senaryo? Ikaw, ako, tayong lahat….saksi sa delubyong ginagawa ngayon ni Covid-19. Iisa ang ating panalangin: magwakas na sana ito. Sabi nga nila…tama na. Lord, kasihan mo kami, amen. Adios mi amor, ciao, mabalos!

 

Daplis Walang Mintis

Amianan Balita Ngayon