Crime rate sa Baguio, bumaba

Inihayag ng awtoridad na ang crime clearance efficiency ng lungsod noong nakaraang taon ay umayos nang 84 porsiyento habang ang crime solution efficiency ay 77 porsiyento kung saan naitala na mas mataas kumpara sa national data at regional data na mayroong 70 porsiyento lamang para sa parehong indicators.
Ayon kay Baguio City Police Office (BCPO) City Director Senior Superintendent Ramil L. Saculles na ang mataas na clearance at solution efficiencies ay napanatili nang mahigit apat na buwan ngayong taon.
Base sa datos na nakuha mula Enero hanggang Abril 2016 hanggang sa parehong period ng 2017, aniya, mayroong malaking pagbaba ng index crimes noong nakaraang taon na 1,361 insidente o 71 porsiyento at sa patuloy na pagsisikap ngayong taon, ang index crimes ay mas lalo pang bumaba na mayroong 194 crime incidents o 54 porsiyento kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Nang ikumpara sa national data, ayon kay Saculles, ang pagbaba ng index crimes ng lungsod na nasa 54 porsiyento ay mas mataas sa national figure ng 18 porsiyentong pagbaba sa index crimes na kabilang sa mga krimeng laban sa tao at mga krimeng laban sa pag-aari at kabilang ang krimeng panggagahasa.
Base sa ulat ng BCPO, bumaba ang krimeng pagnanakaw nang 60 porsiyento; physical injuries na bumagsak sa 62 porsiyento; robbery na bumaba ng 50 porsiyento, panggagahasa na bumaba ng 58 porsiyento at carnapping na malaking pagbagsak na 75 porsiyento.
Gayunpaman, ang non-index crimes sa parehong panahon ay mayroong 86 incidents o 9 porsiyento subalit parehong maaaring iugnay sa pangyayari ng vehicular traffic accidents na may biglaang pagtaas nang 376 incidents o 93 porsiyento.
Inihayag niya na karamihan ng mga vehicular traffic accidents ay ang reckless imprudence resulting to damage to properties, at kadalasang sanhi ay human error.
Sa implementasyon ng traffic ordinances sa lungsod, iniulat ni Saculles na ang kabuuang 15,413 lumabag ay nahuli sa paglabag sa local ordinances mula Enero hanggang Abril ngayong taon kung saan nagresulta ng pagtaas ng revenues na may kabuang P4,168,902 o pagtaas ng P1,098,752 o halos 26 porsiyento kumpara sa parehong period noong nakaraang taon na may koleksiyong P3,070,150.
Higit pa, nakapag-ambag din ang BCPO ng revenues sa lokal na pamahaalan sa pamamagitan ng issuance ng police clearance at certification na nagkakahalaga ng P3,767,832, na tumaas nang 19 porsiyento mula sa P3,054,500 sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Inihayag pa niya na ang hamon para sa BCPO ngayong taon ay ang kampanya kontra sa paglaganap ng mga illegal na droga kung saan mayroong siyam na naarestong drug personalities at 52 drug surrenderers kabilang ang 14 kinilalang drug pushers at 38 na users.
Sa 128 barangays lungsod, mayroong anim na barangay ang moderately drug affected noong huling bahagi ng 2017, subalit sa ngayon, ang Oversight Committee on Illegal Drugs na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos 18 barangays na drug affected ay tumaas sa 24 drug affected barangays sa lungsod.
Nagpakita rin ng exemplary performance ang City Mobile Force Company (CMFC) ng BCPO noong Civil Disturbance Management Competition na siyang overall champion sa iba’t ibang police offices regionwide. BAGUIO PIO

Amianan Balita Ngayon