Dagupan muling itatanghal ang ‘Bangus’ festival

LUNGSOD NG DAGUPAN – Ang pamosong Bangus Festival ay muling isasagawa mula Abril 28 hanggang 30 matapos itong masuspende ng dalawang taon dahil sa pandemya.
“The preparation is short. Nonetheless, the most important is the Kalutan Ed Dalan. Most important of all, it will not be held at the De Venecia Expressway which was very unpopular to the Dagupeños.
After a long time, we will return the celebration to the downtown area for the people,” ani Mayor Marc Brian Lim sa isang panayam noong Biyernes.
Mula sa panahon ng kaniyang namayapang ama, inilunsad ni Benjamin Lim ang Bangus Festival at sa kaniyang termino bilang alkalde, ang taunang Kalutan ed Dalan ay sa kahabaan ng A.B. Fernandez Avenue, at kalauna’y napalawig ito sa Perez Boulevard.
Subalit, inilipat ng nakaraang administrasyon ang selebrasyon sa De Venecia Expressway. Noong 2020, lahat ng mga plano ay isinantabi matapos isailalim ang buong Luzon sa total lockdown sa loob ng tatlong buwan na nagsimula kalagitnaan ng Marso.
“With zero cases, Alert Level 1 status, high vaccination rate, I think, it is good for having a Bangus Festival. Right now, we asked permission from Malacañang to hold the Bangus Festival and for April 30 to be declared as a holiday,” ani Lim.
Sinabi niya na may kabuuang 1,000 parilya ang nakahanda kasama ang isang package deal. “We will put all the details soon. The grills are numbered with specific locations along A.B. Fernandez Avenue. Stages will be set-up, we will invite national artists that can play and entertain so that the Bangus Festival this year will be joyous and festive,” ani Lim.
Idinagdag niya ang buong detalye ng piesta ay ilalabas sa susunod na mga araw.
(LY-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon