DICT nagbigay ng libreng Wi-Fi sa komunidad ng IP sa Baguio

Isang indigenous peoples (IP) community sa isang liblib na barangay sa Lungsod ng Baguio ang nakatangga ng tatlong bagong Free Wi-Fi sites, na magbibigay ng access sa Internet connectivity at online learning, ito ang sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang tatlong bagong sites ay itinayo sa Barangay Happy Hollow sa unang linggo ng Agosto, sa local elementary school, high school, at sa barangay hall, sinabi ng departamento sa isang pahayag noong Martes.
Ang proyekto, ay naging posible sa pamamagitan ng partnership sa pagitan ng DICT Luzon Cluster 1 at ng Benguet Electric Cooperative (Beneco). Ang DICT, sa pamamagitan ng fiber-optic network nito, ay tuloy-tuloy na magbibigay ng bandwidth ara sa Wi-Fi sites, habang magbibigay ang Beneco ng manpower at mga pasilidad na kailangan para sa proyekto.
Sinabi ni Marie Carolyn Verano, Department of Education (DepEd) – Baguio Schools Division Superintendent, na ang libreng Wi-Fi ay magsisilbing pundasyon ng hakbang na “blended learning” ng DepEd sa lungsod.
“The Internet installation is vital because the barangay has been selected as a pilot area in Baguio under the new modalities of the educational system by the DepEd,” ani Verano. Sinabi ni Barangay Captain Joseph Sacley na dahil ang kanilang barangay ay nasa liblib upang ma-enjoy ang kaginhawaan sa sentro ng lungsod, ang libreng Wi-Fi na handog sa kanilang komunidad ay isang magandang pagbabago.
“We are so happy that in a short period of time, nagawa ito purposely para makaabot tayo sa bagong sistema ng education (this was completed so we could carry out the new system of education),” ani Sacley. Sinabi ni Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan II na ang proyekto ay nakumpleto bilang bahagi ng programa ng DICT na “Free Wi-Fi for All”, na tinukoy na prayoridad ng departamento ang programa upang bigyan daana ng online learning sa panahon ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
“One of the primary goals of our intensified Free Wi-Fi for All program is to connect educators and learners and enable them continued access to quality education,” ani Honasan.
RCDC-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon