Digong for Vice Pres. ….@#$%*&!????

Daplis Walang Mintis

MARIAKUSINA IMPUSIPOS ELEMENTARY ISKUL ANNEX!!!!!! Ano ba ere???? Ewan…pero biglangnagsulputan ang maraming tanong at pero at kuwan nang bumulaga nga ang desisyon ni Pres. Digong na tatakbong bise sa eleksiyon. Aba’y talagang maraming natulala. Pero sabi ng ilan – meron siyang karapatan upang maipagpatuloy daw ang kanyang mga programa.

Hmmm….kasi nga naman, batid na ng nagdaang mga henerasyon na kapag may bagong uupo…kanyang diskarte na ang ipapasunod. So, ibig sabyan: gustong deretso pa sana ang mga programa ni Digong para sa ating bayan. Hmmm malaki ang rason, upak ng marami. Pero ang banat ng kontra: tigil na, sobra na, palitan na!

Kung kayo ang tatanungin..anong say ninyo? Tama ba ang lohika na para maipagpatuloy ang naumpisahang programa ay dapat tuloy-tuloy pa rin ang panunungkulan ng nakaupong dapat bumaba na? Bulong nila: dapat lang na ipagpatuloy kasi kung iba na ang hahawak ng riyenda, baka ang gusto naman niya ang siyang masusunod.

Upak naman ng mga mapagobserba: kaya nga puro putol ang programa at puro tayo umpisa dahil sa hindi nga naitutuloy ang agus na
gusto ng naunang umupo.

Ang gusto ng nauna ay pakaliwa ang agus, pero ang gusto naman ng bagong umupo ay sa kanan. Ala eh, saan ga tayo patungo, igan?
Ala, eh, magkakagulo nga ang mundo ay. Buti pa nga sa boksing, kapag dumapa ka na…eh, Pacyaw na, este talo ka na, di ga? Ang sipa nga ng pulitika, pards…habang may pera ka raw at may hininga (kahit mabaho na)…puwede ka pang pumusisyon na lumaban.

So para daw kay Digong…puwede pa raw siyang sumuntok. Ganern???? Sabagay, kung ating susuriin…marami pang nasimulang programa ng kasalukuyang adminsitrasyon ang di pa matatapos bago eleksiyon.

Natural ang mga ito ay matitingga kung wala na nga ang nagsimulang kamay….lalo na kung ang susunod na kamay ay maraming sabit na tinik dahil sa mga nangunyapit na mga supporters.

Natural lang ang mga sumuporta sa susunod na kamay ay magkakaroon ng tinatawag na “kakaibang pakay” bilang bayad sa suporta, di ba?

Ang gusto ay makabawi sa pamamagitan ng itinulak sa puwesto. Sila ngayon ang dapat sundin ng “kuwagong” inilagay sa trono , di ba? Magiging sunodsunuran siya sa gusto ng nagpaupo. Kaya ang resulta: siya ngayon ay napaupo na “mapapa-uto”.

Di ba ganyan daw ang eksena ngayon sa ating lipunan? Ewan lang kung may prontalang sasagot, pards. Siyempre, marami ang magtatago sa dilim ng pagsisisi kung mali ang sinuportahan.

Tanong: bakit kasi marami ang gustong magpaupo kahit dispalenghado? Iisa lang ang sagot, pards: gustong makawala sa kanyang pananagutang legal sa lipunan, period.

Ito nga ang masakit, pards….nasa sukdulan pa rin tayo ng pandemya..pero sumusungkit na ang mga usaping higit pa sa pandemya – yan ang pandemic samatagal ng panahon – PULITIKA.

Anak ng Covid naman….di pa ba sapat ang mga pagsubok sa atin ni Covid-19 upang tumino? Patung-patong na ang mga kabaong ng mga biktima ng pandemya…kulang pa ba upang magkaroon tayo ng leksiyon? Sa 2022 pa ang eleksiyon pero sa ngayon pa lang…kita na natin ang sabuyan ng putik ng virus na mas matindi pa sa Covid-19.

Yan ang Election Pandemic. Nagsisimula na ang siraan at sabuyan ng putik para sakanilang personal na ambisyon. Tanong: bakit ba kasi marami ang gustong pumalaot sa pulitika? Serbisyo ba o “PERA” ang dahilan? Ah, ewan, pards…kasi kung sasagutin ng DAPLIS yan marami ang mag- H A H A R A K A R I K I ! Buiisiiiittt!!! Ops, sandali…papano ang upak ni Pres. Digong for Vice President? Sino ang presidente niya? Ang gulo, hane? Ah, ayaw na naming makigulo pa…Babooo! Adios mi amor, ciao, mabalos.