DOH-CAR nagbabala sa paglamig ng temperatura sa Baguio

Hinimok ng opisyal sa kagawaran ng kalusugan ang mga residente na palakasin ang immune system dahil sa matinding pagbabago ng klima – mainit sa maghapon subalit malamig sa gabi – na inaasahang tatagal.
“Extreme changes in weather lower our resistance,” ani City Health Services Office (CHSO) chief Dr. Rowena Galpo.
Ang init ng araw at may mababang temperatura, ayon sa weather bureau, ay aabot mula 14 degrees hanggang 18 degrees Celsius simula noong Oktubre 1, lalo na tuwing 4pm hanggang 6am ng sumunod na raw, kaya naman madaling kinakapitan ng sakit ang tao lalo na ang respiratory diseases, tulad ng sipon at ubo, ani Galpo.
May pangangailangang palakasin ang immunity ng katawan sa pamamagitan ng tamang diet, exercise, at pagsunod sa mga kaugalian ng pagtatakip ng bibig kapag bumabahing at umuubo, aniya. Pinapayuhan niya ang publikong uminom ng 500mg ng Vitamin C upang tulungang mapalakas ang immune system.
Sinabi rin niya na ang paglalakad ay mabuting ehersisyo.
“Our sedentary lifestyle will make us sick. It lowers our immunity. Walking is advised. It is the cheapest form of exercise – it does not require expenses, yet it gives us the greatest benefits,” ani Galpo.
Pinayuhan din niya ang publikong magsuot ng komportableng damit kapag mainit at jackets o sweaters kapag malamig upang mapanatili ang temperatura ng katawan.
Hinimok niya ang publikong kaugalian ang tama at regular na paghuhugas ng kamay.
“Hand-washing prevents most diseases. (Wash your hands) after coming from the toilet and before eating. Practice (proper) cough and sneezing manners so as not to spread the virus,” ani Galpo.
“(But) even if the virus is present, if you have a strong resistance, you will not get sick,” dagdag niya. ABN

Amianan Balita Ngayon