DOLE-CAR naglaan ng higit PhP18M sa summer job program

LUNGSOD NG BAGUIO – Naglaan ang Department of Labor and Employment-Cordillera Administrative Region (DOLECAR) ng PhP18.88 milyon para sa Special Program for Employment of Students (SPES) sa rehiyon para sa taong ito o mas kilala na summer job program ng gobyerno.
“The budget comes from the regular fund of the DOLECAR, which is distributed to the different provinces,” ani Maria Konika de Leon, regional labor and employment officer noong nakaraang Huwebes.
Makakauha ang probinsiya ng Kalinga ng PhP3.06 milyon; Abra, PhP2.96 milyon; Ifugao, PhP2.91 milyon; Baguio, PhP2.91 milyon; Benguet, PhP2.64 milyon; Apayao, PhP2.5 miyion; at Mountain Province, PhP1.9 milyon.
Sinabi ni De Leon na ang mga estudyanteng edad 15 hanggang 25 na naka-enroll sa kasalukuyang school year ay karapat-dapat na makakuha ng tulong ng gobyerno, sa pamamagitan ng summer jobs.
Ang sahod na matatanggap ng mga estudyante ay maaaring magamit sa kanilang enrollment sa susunod na school year, na mabibigyan sila ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral.
Sinabi niya na ang nasabing suweldo ng SPES beneficiary ay kapuwa binayaran ng lokal na gobyerno at DOLE.
Sasagutin ng mga pribadong employer, national government agencies (NGAs), at 1st hanggang 5th class cities at provinces, at ang 1st hanggang 3rd class municipalities ang 60 percent ng prevailing minimum wage habang ang 40 percent ay babayaran ng DOLE.
Dagdag pa ni De Leon na babayaran ng 5th class municipalities ang 40 porsiyento ng sahod habang babayaran ng DOLE ang 60 porsiyento.
Ang 6th class municipalities ay babayaran ang 25 porsisyento ng sahod at ang natitirang 75 porsiyento ay babayaran ng DOLE.
Sinabi ni DOLE-CAR information officer Patrick Rillorta na ang mga benepisaryo ay kailangang nakakuha ng passing grade at ang kanilang mga magulang ay may pinagsamang taunang kita na
hindi lalagpas sa PhP36,000.
SInabi ni Rillorta na ang SPES ay isang employment bridging program sa panahon ng summer o Christmas vacation na layong tulungan ang kita ng pamilya ng mahihirap ngunit karapat-dapat
na mga estudyante na nagnanais makapagtapos ng pag-aaral.
Sa lungsod ng Baguio, ay sinabi ni Public Employment Services Office labor and employment assistant Janna Elitan na may 400 estudyante ang mabibiyayaan ng SPES program sa taong ito na hinati sa dalawang batch.
Ito ay magbibigay daan sa dalawang schedules na pinagtibay ng mga paaralan sa lungsod kung saan ang ilan ay nagtapos noong Marso habang ang iba ay sa Mayo, ani Elitan.
Magtratrabaho ang mga estudyante sa loob ng 25 hanggang 30 araw na amy suweldong PhP503.09 kada araw. Noong 2018 ay nasa 6,000 estudyante sa iba’t-ibang probinsiya sa rehiyon ang nabenipisyuhan ng SPES program.
 
PNA/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon