DOT prayoridad ang pagbangon ng Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinuri ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang lungsod sa pagiging unang local government unit na kaniyang binisita o nakipagkita sa mga opisyal na may recovery at resiliency plan na nakalatag sa panahon ng umiiral na pandemya sa COVID-19, ayon kay Mayor Benjamin Magalong ng nagkaroon sila ng isang virtual meeting sa kalihim dalawang linggo ang nakaraan.
Inihayag ng Mayor ang magandang balita sa regular na Ugnayan Kay Mayor press
conference noong Miyerkoles sa city hall. Malaking bahagi ang ambag ng turismo sa ekonomiya ng lungsod na nananatiling Summer Capital ng bansa.
”The Secretary’s declaration inspires and motivates us that we are doing  the right thing,” ani Magalong.
Sinabi ng Mayor na siniguro sa kaniya ni Sec. Puyat na magiging proyoridad ng DOT ang mga hakbang sa pagbangon ng Baguio na agad niyang inatasan ang Tourism Promotions Board na bigyan ng lubos na suporta ang Baguio sa trabaho nito.
Binigyan-pansin din niya ang isang kamakailang survey kung saan halos 80 porsiyento ng mga responde nito na Baguio ang sagot nila sa tanong na kung anong lugar ang ninanais nilang unang bisitahin sa bansa kung maalis na ang mga restriksiyon sa paglalakbay.
Ang pangunahing rason ng mga responde sa pagpili sa Baguio ay dahil sa mahigpit na border control nito, dagdag ni Mayor.
”This means that people appreciate the stringent measures being implemented in our city.
Tourists visit a place where they are confident for their safety and security,” ani Magalong.
Sinabi rin niya na pinupuntirya ng Baguio na buksan ang borders nito sa mga turista sa Setyembre.
GBK-PIO/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon