Baguio hindi pa handa sa new normal – Magalong

LUNGSOD NG BAGUIO – “Until the situation in the National Capital Region, Regions III and IV normalizes, I don’t think Baguio City can transition to the new normal.”
Ito ang sinabi ni Mayor Benjamin Magalong sa Ugnayan Kay Mayor sa City Hall noong Miyerkoles, habang kinakalma ang nakikinitang pagkabahala ng mga residente sa walang-katiyakang laban ng lungsod kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ng Mayor na,”Despite decreasing COVID-19 cases in these areas especially in NCR, I am still not confident in opening our local economy to places still hounded by infections.”
Pinunto rin niya na mayroon pa ring COVID-19 infections ang naiuulat sa mga kalapit na bayan ng Baguio.
Ipinapakita ng contact tracing na karamihan sa natagpuang may COVID-19 ay nakahalubilo ng ating mga residente.”So, even if those infected are not from Baguio, the city is still heavily affected,” ani Mayor Magalong.
Nauna dito, sa isang pagpupulong sa city managers, inihayag niya na bago makalipat ang Baguio sa new normal, dapat itong magkaroon ng isang metatag na health infrastructure; quarantine at isolation facilities; tapat na pagsunod ng mga residente sa health protocols; at isang digitalized emergency response system.
Sa metatag na health infrastructures, binigyan-diin niya na kailangan pa ng lungsod na magkaroon ng sariling molecular laboratory upang iproseso ang tumaas na Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests na ginagawa dito.
Ito, dagdag niya ay magtatatag ng isang mas mabilis na response time sa pagtukoy ng health cases consistent sa mga kaso ng COVID-19 at patient contact tracing.
Samantala ay pinasalamatan ng Mayor ang pagpupunyagi ng public-private partnership sa pagtatatag ng quarantine at isolation facilities.
Sa kasalukuyan ay inooperate ng lungsod ang isang triage facility sa St. Vincent Gym.
Sa koordinasyon sa Department of Health at local private hospitals ay binuksan din ang lumang Sto. Nino Hospital sa Padre Burgos Barangay upang pagsilbihan ang mga pasyente ng COVID-19.
Kaugnay nito ay sinabi ni Magalong na ang paglipat ng lungsod sa new normal kailangan ding naka-angkla sa pagsunod ng mga residente sa health protocols.
Gayunman ay nalungkot siya na mayroon pa ring mga barangay na inilalagay sa lock down dahil sa paglabag sa facemask at physical distancing policies.
Samantala ay inihayag ng Mayor na ang “Smart City” project na nagsasanib sa emergency response system ng lungsod sa high-tech information technology ay pinapabilis na.
Ang proyekto ay magtatatag din ng mas ligtas, mas mabilis at mas mapagkakatiwalaang non-contact transactions.
Inirerekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung maaaring makalipat na ang isang local government unit sa mas maluwag na quarantine measures o sa tinatawag na new normal.
Gayunman ay sinabi ni Magalong na aabisuhan niya ang IATF-EID na ibinbin muna ang posibleng pagpapaluwag sa lungsod papunta sa new normal hangga’t ang apat na kondisyong tinukoy niya ay lubos na nakakamit.
“The Modified General Community Quaratine in Baguio may still take about two more weeks or maybe even longer,” ani Mayor Magalong.
GBK-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon