Edad 12 sa criminal liability, kontrobersiya!

Jan 28, 2019

Habang isinusulat ang espasyong ito, lalo pang tumitindi ang kontrobersiyang 12-anyos sa criminal liability. Buti nga, ika nila, dose na at hindi yong naunang ipinasa sa komite sa House na nuebe. Ang puntirya ng panukalang batas na ito ay upang magkaroon ng kriminal na pananagutan ang mga menor de edad na may gulang na 12 upang hindi sila mapagsamantalahan ng mga sindikato. Base kasi sa ulat ng PNP sa nakalipas lamang na taon, libo-libo ang mga kabataang nadawit sa sindikato ng illegal na droga pero ang masaklap sila’y hindi pinanagot ng batas. May batas kasi tayong umiiral na ang mga may edad kinse pababa na masasangkot sa krimen ay walang pananagutan. Yan ang dahilan kung bakit daw lalong lumobo ang bilang ng mga kabataang nagagamit sa krimen. Yan ang tunay daw na dahilan kung bakit gustong amyendahan ang kasalukuyang batas – RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

******
Pero teka lang mga pards, di ba panahon noon ni dating Pangulong Gloria Arroyo nang pairalin ang RA 9344 na ang edad na saklaw ay 15 pababa? E, bakit mabilis na ipinasa sa komite sa Kamara na gawin itong 9? Na ang sumunod ay ginawang 12? Ayon sa ating mga impormante, tinugunan lang daw umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapababa ang edad ng criminal liability sa 9 taon mula sa kasalukuyang 15 anyos. Ayon kay House Speaker Gloria Arroyo, mabilis daw na pinagtibay ng House Committee on Justice ang House Bill No. 8835 (na ngayon ay nakasalang sa plenaryo) dahil kabilang ito sa mga agenda ng pangulo. Ang lalamanin daw ng bill ay dadaan pa sa deliberasyon at debate hanggang sa final reading. Ayon sa mga mambabatas, gusto nilang maaprubahan sana ang House Bill 8858 bago matapos ang matapos ang ika 17-Kongreso. Layunin nito na maprotektahan ang mga kabataan o mga menor de edad laban sa iba’t ibang sindikato ng krimen na umiiwas na malitis at maparusahan.

********
Dahil sa panukalang batas na ito parang hinalukay na pansit at chopsuey naman ang reaksiyon ng marami lalo na ang mga magulang.  Sabagay, ika nila, walang magulang ang gustong makulong ang anak. Pero bawi naman ng ilan: tanggapin natin ang katotohanan na may mga magulang din (hindi nilalahat) na sila pa ang nag-uudyok sa mga menor de edad nilang anak na gumawa ng krimen. Ang dahilan daw ay kahirapan. Kung ang huli ang kakabigin, kailan naman tayo uusad? Marami namang pagkakakitaan na di kinakailangang lumabag sa batas, di ba? Katunayan, sabi ng mga analysts maraming mga nagkokomento ng negatibo ang di pa nakakaalam kung ano nga ang laman ng panukalang batas. Dapat ay alamin muna ang laman o mga probisyon bago magkomento ng negatibo. Maganda ang pakay ng panukala: proteksiyon sa mga kabataan mula sa kuko ng mga tunay na kriminal na mga gumagamit sa kanila.

********
Sa nangyari sa Navotas City kamakailan ay isang konkretong ehemplo para sa mga magulang at kabataan. Sa raid ng PDEA, 12 menor de edad ang kasama sa 28 na nahuli hinggil sa illegal na droga. Sinagip ng otoridad ang mga bata.  Pero, ayon sa PDEA, dapat kasuhan ang mga magulang ng 12 bata sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Kapag mapapatunayan na nagpabaya ang mga magulang o pinuwersa na masangkot ang kanilang anak sa illegal drug trafficking, may katapat itong parusa na “prison mayor” o hindi bababa sa anim na taon hanggang walong taon na pagkabilanggo. Sana, timbangin ito ng mga magulang lalo na ang mga pabaya. Batobato sa langit. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang...

BBM-Sarah Proklamado na!

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang...

Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest