Ex-Call Center Agent Timbog sa Droga

BAGUIO CITY (February 12, 2021) – Isang 46 anyos na babae na dating call center agent ayon sa mga otoridad ang nadakip matapos isagawa ang isang buy-bust operation laban sa suspek noong Huwebes ng hapon sa barangay Campo Filipino.
Nakilala ang suspek na si Mary Grace Aviles Limjap, 46 na ayon sa mga otoridad ay nag “full time” na sa pagbebenta ng shabu.
Ayon kay Director Gil Castro, regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera nadakip ang suspek matapos magbenta ito sa di nakikilalang under cover agent noon hapon ng Pebrero 11, 2021 sa lugar ng Campo Filipino barangay.
Sa imbestigasyon ng PDEA, ayon kay Castro ay dahil sa pagkakalulong ng suspek sa ipinagbabawal na gamut o shabu ang siyang nagtulak upang pasukin ng suspek ang pagbebenta ng shabu at kalimutan na ang marangal na trabaho nito sa isang call center.
Idinagdag pa ni Castro na may iba pang kaso ang suspek gaya ng child abuse at madalas na inirereklamo ng mga kapitbahay nito na siya umano ang angbebenta ng shabu sa mga kabataan, maging sa mga kasamang call center agent at maging sa iba pang taxi drayber at jitney drayber.
Sa ngayon ay kasalukuyang nasa Baguio City jail ang nasabing suspek habang hinihintay nito ang kanyang regular na asunto sa Huwes.
Artemio A. Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon