Benguet muling mabibiyayaan sa TUPAD program ni Yap

LA TRINIDAD, Benguet – Target ngayon ni Benguet Caretaker Eric Yap na mabiyayaan ang may 32,000 residente sa iba’t ibang bayan ng lalawigan mula sa kanyang programang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Worker), na labis na naapektuhan sa COVID-19 pandemic mula sa kanyang alokasyon na P160 milyon.
Around 32,000 people whose income have been affected by the coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic will benefit from the PHP160 million Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) allocation of the province’s congressional caretaker.
Nabatid kay Kevin See, chief of staff ni Yap, na ngayong taon 2021 ay inilaang alokasyon na pondong P160 milyon ang mambabatas para sa TUPAD program nito sa lalawigan ng Benguet. Ayon kay See, ang nasabing pondo ay mula sa congressional allocation, na nirequest mismo ni Yap as chairman on appropriation committee sa House of Representatives, na madagdagan ang pondo ng Benguet in terms of assistance, upang makatulong sa mga nangangailangan ng assistance sa lalawigan.
Aniya, inuumpisahan na nila ang rollout ng TUPAD 2021 assistance para sa mga beneficiaries ngayong Pebrero para sa unang batch.
“Ang gusto ni Rep.Yap ay lahat nga mga residente na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic, gaya ng mga vendors,farmers,kabilang ang mga mula sa informal sector, na talagang dapat matulungan mula sa ating government assistance sa ilalim ng implementasyon ng Department of Labor and Employment,“ pahayag pa ni See.
Aniya ang bawat beneficiary ay tatanggap ng P3,500 hanggang 5,000 at prioridad ay mga kuwalipikadong residente na hindi nakatanggap ng government assistance noong nakaraang taon.
Noong 2020, may kabuuang P110 milyon TUPAD fund ang naikalat sa may 140 barangays mula sa 13 bayan ng Benguet.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon