Gov. Pacoy, pinagtibay ang MSMEs sa La Union

Jul 16, 2017

Pormal na inilunsad ang 2017 Micro, Small and Medium Enterprises Development (MSMED) Week Celebration na may temang “7Ms Towards a Shared Prosperity for ASEAN MSMEs” na suportado ng Provincial Government of La Union (PGLU) sa pangunguna ni Gov. Francisco Emmanuel “Pacoy” Ortega III, Department of Trade and Industry (DTI), kasama ang La Union MSMED Council noong July 11, 2017 sa La Union Agri-Tourism Center, City of San Fernando, La Union.
Sentro ng nasabing pagdiriwang ang lubos na pangako ng gobernor bilang Co-Chairperson ng MSMED Council na maunawaan ang layuning mapalakas ang potensiyal ng local enterprises upang tiyaking ang economic gains ng Agri-Tourism Industry ay para sa ikabubuti ng pamumuhay ng bawat entrepreneur ng probinsiya.
“As we look to bring progress and prosperity to the people of La Union, our MSMEs will be front and center in our journey to transform La Union to become the Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon,” ani Pacoy sa paglalarawan ng mga negosyante at home grown business na nasa gitna ng paglago at pag-unlad ng lalawigan at munisipalidad. Higit na idiniin niya na ang kanyang pangitain ay mahalaga sa pagpapaunlad at pagtatatag ng mga negosyo na pag-aari ng mamamayan at ang tagumpay nito ay posible lamang sa pamamagitan ng diwa ng entrepreneurship at ang pagsisikap at pagpapasiya ng mga tao.
Ang exhibit, na tumagal mula July 11-14, na may layuning makilala ang kontribusyon ng bawat MSMED, One Town One Province (OTOP) at iba pang Income Generating Projects (IGPs) at bigyang importansiya ang 7Ms (Mindset, Mastery, Mentoring, Money, Market, Machines at Models), upang pasiglahin ang Agri-Tourism industry ng probinsiya ng La Union upang maging competitive at dynamic habang binabago ito patungong ASEAN global market.
Sinabi ni DTI-La Union Provincial Director Daria R. Mingaracal na ang MSMED ay nakipag-ugnayan sa PGLU upang bigyan ng tulong at suporta ang lokal na mga negosyante upang makasabay ang mga ito sa bilis ng merkado at maisama ang iba pang micro entrepreneurs at agriculturists ng lalawigan.
Sa mga display ng one-stop-shop ay ipinakita ang local products tulad ng dragon fruit, ube wine, lemon grass tea, bottled fish at corn oils. Sa parehong araw, naghandog ang mga vocational scholars ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng serbisyo tulad ng libreng manicure, pedicure, foot spa at massage.
Nagsagawa rin ng financing forum at assistance para sa mga potensiyal MSMEDs at small business corporations na inisponsor ng Development Bank of the Philippines, Rang- ay Bank, Land Bank of the Philippines at iba pang financial institutions. Hana Josua C. Martinez, PITO-LU / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest