Hello Father!

Every 3rd Sunday of June, we commemorate the importance of a Father, Tatay, Papa, Dada at kung ano pang tawag sa kanila. Sila ang tinatawag na haligi ng tahanan, nagtatrabaho para may maipakain lang sa pamilya katuwang ang kanyang butihing maybahay sa hirap at ginhawa. Kaya maganda ang balita na pagtaas ng 15 pesos sa sweldo dito sa lungsod ng Baguio at munisipyo ng La Trinidad, Benguet “Wage order RB-CAR-18 Prescribing the new minimum wage rates of private sector workers in the Cordillera” covers all minimum wage earners in the private sector regardless of their position, designation or status as employees effective June 5, 2017. Meanwhile, Wage Order No. CAR-DW-02 Prescribing new minimum wage rates for domestic workers in CAR” covers all workers engaged to do house works effective May 8, 2017.

Mayor Romeo K. Salda of La Trinidad said that “Kahit maliit lang ang itinaas ng sweldo, malaking bagay na ito lalo na sa ating mga Job Orders lang dito sa Munisipyo. Dahil kahit papaano eh makakatulong na ito sa kanila kahit sa pamasahe man lang.” Mga Kadungngo-dungngo, masarap ang mag-sweldo kung pinaghirapan mong kayurin. Ginagawa mo ang iyong trabaho nang maayos, tapat, malinis at walang tinatapakan o nasaktang tao. Ito raw ang perang hindi madaling maubos at bukal sa loob o masayang igastos sa mga bayarin sa bahay.

Mabuhay lahat ng Tatay sa boung mundo! Magdiwang ka sapagkat araw mo ngayon Kadungngo-dungngo. Ang ganda rin siguro minsan kung tayong mga anak naman ang gumastos para sa kanila? Magkaroon ng father and daughter or son bonding, kaya inyong subukan sa Allure & Charm Unisex Beauty Salon. Sila lang naman ay matatagpuan sa 2nd Basement, North Hills Palangdao Bldg., Gen. Luna Rd., Baguio City. Pero kung ‘di mo naman trip doon eh di iyong subukan sa La Bonita Botique and Salon, makikita sila sa Upper Ground Flr., Maharlika Livelihood Center at kung massage naman ang iyong hanap para sa iyong ama, pumunta na sa Ban-ay Massage and Spa, sila din po ay matatagpuan sa 4th Flr. Maharlika malapit o pinag-gitnaan ng escalator at bayaran ng ilaw.

Magpakatotoo tayo Kadungngo-dungngo na may mga amang hindi perpekto, sa ating paglaki sila ay ating tinitingala at nagiging isang ehemplo kaya handog namin sa inyo ang awitin by Billy Currington na may lyrics na “Walk a Little Straighter Daddy your swaying side to side, your footsteps make me dizzy and no matter how I try, I keep trippin’ and stumblin’ even though I turn 18, Walk a little Straighter Daddy, your leading me” ngunit sabi nga ng isang kasabihan na “Paikot-ikotin mo man ang mundo, magulang mo pa din sila” at ang sabi sa Bibliya (KJV) Colossians 3:20-21 “Children, obey your parents in all things: for this is well pleasing unto the Lord. Fathers, provoke not your children to anger, lest they be discouraged.” Mag-usap nang masinsinan upang magkaintindihan dahil lagi nga naming pabaon sa iyo Kadungngo-dungngo “Ti Panagtinnunos nga agtrabaho, mangiturong ti Panagprogreso”.

Amianan Balita Ngayon