Higit P1.2B iniwang pinsala ng habagat at 2 bagyo sa Pangasinan

MALASIQUI, PANGASINAN – Tinatayang P700 milyon sa agrikultura at P500 milyon sa imprastraktura ang inisyal na pinsala na dinala ng severe tropical storm “Inday” at tropical depression “Josie” na nagpalala sa habagat at nagdulot ng walang humpay na pag-ulan at malawakang pagbaha sa Pangasinan.
Sinabi ni Governor Amado Espino III sa isang panayam sa radyo noong Hulyo 24 na ang inisyal na pinsala sa agrikultura ay hindi pa naisama ang fishery industry, habang ang mga napinsalang ari-arian ay hindi pa malaman ang halaga dahil marami pang lugar sa probinsya ang nakalubog sa baha.
Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), hanggang ala-una noong Hulyo 24 ay 303 barangays pa ang lubog sa baha at 2,323 pamilya o 10,276 katao ang nananatili sa evacuation centers.
“According to our PDRRMO head, the rainfall we experienced in the last four days amount to three months normal rainfall, and waters from upstream also go down to the river tributaries of the province, hence some areas had flash floods,” ani Espino.
“Nonetheless, we are still thankful that TD Josie only brought heavy rainfall, but did not have strong winds or else we might have lost lives and more properties,” aniya.
Sinabi ni Espino na ang provincial government ay maigting na nakasubaybay at nakikipag-ugnayan sa San Roque Power Corp. upang malaman ang water level ng dam.
Ayon kay Espino, inulat ng PDRRMO ang ilang taong namatay ngunit inaalam pa kung ang mga ito ay may kaugnayan sa kalamidad.
“We have one incident in Mangatarem, a woman who tried to cross the creek on July 20 drowned. Another is a man from Infanta who also drowned but he was reported to be drunk,” saad ng gobernador.
Limang mangingisda ng Barangay Concordia sa Bolinao na naiulat na nawawala ay natagpuan nang buhay sa Ilocos Sur, dagdag pa nito.
Nagpasalamat si Espino sa national government agencies na tumulong sa rescue operations at monitoring, at maging sa local government units ng probinsya, Ilocos Sur at La Union para sa kanilang pagtulong sa mga Pangasinense na naapektuhan ng kalamidad.
Inihayag nito na sa unang pagkakataon ay hindi nito napanood ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nangyaring kalamidad.
“I sent a letter to the Office of the President that I could not attend the SONA. Every year, I was there but now, it is better if I am here in our province,” ani Espino. H.AUSTRIA, PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon