“HONEY LOVE” SCAM SUSPEK, ARESTADO

BAGUIO CITY – Dalawang suspek sa “honey love” scam ang nadakip sa isinagawang entrapment operation, habang winiwidraw ang perang ipinadala sa kanila ng biktima sa isang kilalang banko sa may Marcos Highway noong Mayo 21.
Nabatid kay PROCOR Information Officer Capt. Marnie Abellanida, ang mga suspek ay nakilalang si Williams John Ani, 29, Nigerian national na nagpakilalang Lucas Chan, isang civil engineer mula South Korea at kasabwat nitong si Indira Geil Villanueva Duca, 25, Filipino,na nagpanggap namang si “Sharon,” na isang Korean service agent. Ang dalawa ay kapuwa nakatira sa Bengao, Marcos Highway, Baguio City.
Ayon kay Abellanida, ang suspek ay dinakip matapos ang reklamo ng isang servicewoman ng Philippine Navy, na itinago sa pangalang Carmina, ng Dasmarinas City, Cavite.
Napag-alaman na ang ‘modus operandi’ ni Lucas ay nakikipag-chat na mabibiktima sa pamamagitang paggamit ng iba’t ibang account nito sa social media, hanggang sa mabiktima nito si Camina.
Sa reklamo ni Carmina, sinabihan siya ni Lucas na pinadalhan siya ng package na naglalaman ng Apple Laptops, I-phone, watch at cash.
Nakatanggap din si Carmina ng mensahe na ang nasabing package ay nasa airpot na, pero kailangan munang bayaran nito ang custom clearance sa halagang P35,000.00. Ayon kay Abellanida, matapos magbayad si Carmina na ipinadala sa account ng nag ngangalang Analiza Fadriga Ellasos, bigla naman siyang kinontak ng kasabwat na si Sharon at hinihingian ng halagang P145,000 para sa issuance ng Certificate of Money Laundering para ang package ay hindi umano ma-detected na illegal, dhil may laman itong dollar bills.
Pinagbantaan pa umano ang biktima na kapag hindi nagbayad ay makukulong ito. Agad naghinala si Carmina at agad niyang inalam sa airport sa pamamagitan ng tracking number na ibingay sa kanya ng suspek, subalit napag-alamang walang package dito.
Pinagsabihan umano siya ng airport personnel na ang siya ay biktima ng typical modus of con artists in the honey love scam, na gumagamit ng different social media platforms at dating apps. Ipinagpatuloy ni Carmina ang pakikipag-chat sa mga suspek at naisagawa ang entrapment operation noong Mayo 21 sa tulong ng mga tauhan ng Manila International Airport Police Department, Regional Anti-Cybercrime Unit- Cordillera (RACU-COR) at Legarda PS ng Baguio City Police Office (BCPO).
Ang mga suspek ay kinasuhan ng swindling/estafa (online scam) in line with Section 6 of Republic Act (RA)10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon