Itogon, planong magtayo ng water district

ITOGON, BENGUET- Plano ng lokal na gobyerno ng Itogon na ipatayo ang Itogon Water District dahil sa pabalik-balik na kakulangan sa tubig tuwing tag-araw.
Ayon kay Mayor Victorio Palangdan na ang mga residente ay laging nakadepende sa mga water deliveries para sa kanilang suplay sa tubig.
“Actually, if you pass by the national road, every minute, you will meet water truck deliveries. Nagkukulang talaga ang tubig dito,” dagdag ni Palangdan.
Ang suplay ng tubig para sa naplanong Itogon Water District ay manggagaling sa kabundukan ng munisipalidad at ito ay magbibigay ng sapat na suplay para sa bawat barangay.
Inihayag din ni Palangdan na kasalukuyan silang naghihintay ng mga mamumuhunan para pwede nang maipatayo ang Water District sa loob ng taong ito.
“The Itogon Water District is in place but our problem is the capitalization. So we are still waiting for investors to invest in the water service of the municipality,” dugtong niya.
Ipinaliwanag din niya ang kanilang mga plano para sa water district at nasabi na may posibilidad na maaaring magsilbi ito sa malapit na mga barangay sa lungsod ng Baguio, na pinagsisilbihan din ng Baguio Water District.
Gayunpaman, saad ng mayor, kasalukuyan nilang binabago ang ilang mga detalye para matukoy kung kakayaning masuplayan ang ilan sa mga barangay ng Baguio sa hinaharap o hindi. Paulo Greg Benitez, UB Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon