KASO NG COVID SA BAGUIO CITY LUMULOBO DAHIL SA DELTA VARIANT

BAGUIO CITY – Ang biglang paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) hindi na bumaba sa 200 kaso araw-araw ang naitatala ngayong buwan ng Setyembre ay dulot ng pagsipa ng Delta variant sa siyudad ng Baguio.
Mula noong Setyembre 1 hanggang 7 ay lagpas sa 100 ang naitatalang kaso kada-araw, pero mula Setyembre 8 hanggang 16 ay lumubo ito sa 200 kaso kada-araw ang naitatala.
Sa buwan pa lang Setyembre 1 hanggang 16 ay naitala ang 3,234 kaso at 69 deaths. Sa kabuuan ang siyudad ay may 2,216 active, 17,707 recoveries at 412 deaths mula sa 20,735 confirmed cases sapul ng magsimula ang pandemya.
Sa kasalukuyan, ang siyudad ay may 20 kaso na ng Delta variant.
“Delta variant may now be the dominant variant driving the current COVID-19 case surge in the city. The latest developments and data indicators also point to the high probability of the Delta variant’s prevalence now in the city,” pahayag ni Mayor Benjamin Magalong.
Aniya, base sa kanilang contact tracing at link analysis ay lumilitaw na mahigit sa 700 ang posibleng carrier na din Delta variant, kaya posibeng tumaas pa ang kaso sa mga susunod na araw.
“Dalawang areas ang aming binabantayan ngayon, ang households at workplaces, na siyang dominant ngayon ng kaso, kaya patuloy ang ating panawagan sa mga households na ugaliin ang health protocols,gayundin sa mga kumpanya na limitahan ang kanilang workers.”
Base pa rin sa link analysis, tumaas ng 41 percent ang cases sa lungsod nitong buwan mula sa edad na 17 pababa.”We don’t see any downtrend in he next two or three weeks.In fact ang ating cases ngayon ay is on uptrend and not even linear.Okey lang sana kung linear kasi deretso, pero is a curve, ibig sabihin ang increase ay exponential.”
Dahil sa mabilis na pagsipa ng Delta variant, inaasahang unti-unti ng mawawala ang Alpha at Beta variant,dahil sa pagiging dominant ng Delta variant.
Dati-dati ang mataas na kaso ay nasa hanay ng mga may edad, pero ngayon pati sa mga kabataan ay tumataas ang kaso, na itinuturing na super spreader, kaya naman ipinagbabawal ang paglabas ang nasa edad 17 pababa.
Iniulat naman ng City Health Service Office na nasa 73 perrcent ng kaso ay mula sa economic sector o’ working class na kinakailangan maging prioridad na mabakunahan.
Ayon kay Dr. Donabel Tubera-Panes, head ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mula sa existing number of COVID cases sa siyudad ay 73 percent ay mula sa 20-59 years old category; 13 percent mula sa 0-19 years old category at mula sa kasong 2,428 ay mula sa 60 years old and above category.
Sa patuloy ng pagtaas ng kaso dulot ng pagtaas din ng Delta variant cases, ay nagbabala ang CHSO na majority sa mga working age group edad 20 hanggang 49 years old ang itinuturing vulnerable sector ang madaling tamaan ng infections.
“The battle is now in the homes and workplaces. Families and offices now have to declare their own wars against the virus. We can’t let it defeat us,” pahayag pa ni Panes.
Aniya, ang transmissions sa ngayon ay mula sa households at workplaces, na kinakailangan ng ibayong pag-iingat, maging handa at panatilihin ang health protocols.
Bago pa man matapos sa Setyembre 19 ang mahigpit na travel restrictions sa non-essentials, pagbabawal sa menor edad na lumabas at total liquor ban ay pinalawig pa ni Magalong ang kautusan hanggang Setyembre 25.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon