La Trinidad muling nanalo ng 2019 Kalasag award

La Trinidad handang rumesponde sa panahon ng mga sakuna matapos mapanalunan sa ikalawang pagkakataon ang 2019 Kalamidad at Sakuna, Labanan Sariling Galing (Kalasag) award sa municipal category.

Tumanggap ang La Trinidad ng isang plaque at isang cash peize na PhP500, 000 mula sa Nayional Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Sinabi ni Albert Mogol, regional director ng Office of Civil Defense sa Cordillera Administrative Region (CAR) na ang ibang nanalo sa rehiyon ay may nakuha rin sa national awards.

“Kalasag is regional and national search that recognizes local government units, private society organizations, DRRM practitioners, hospitals that soars in the field of disaster response, reduction and management,” ani Mogol.

Ito ay ang Mountain Province para sa provincial DRRM category; University of the Cordilleras (UC) para sa higher education category; at ang Epiphany Elementary School para sa private elementary school category.

Sinabi ni Mogol na ang mga entries sa patimpalak ay nasuri sa kanilang kahandaan, pagka-kumpleto ng mga equipment, at pagresponde sa mga sakuna. Nasuri din ang kanilang kamakailang proyekto na bawasan ang epekto ng sakuna sa kanilang lugar at annual investment plan para sa DRRM. Tiningnan din ang mga kamalian na kailangang ayusin at baguhin.

Ibinibigay ng NDRRMC ang award upang makamit ang layuning “zero casualty” sa panahon ng mga kalamidad sa paghimok ng partisipasyon.

Sinabi ni Mogol na mas maraming grupo at lokal na gobyerno ang sumasali sa assessment. “Our participation increased by at least five this year and from three national awards in 2018, we have five this year,” ani Mogol.

Sa isang panayam kay La Trinidad Vice Mayor Roderick Awingan, sinabi niya na ipinakita ng gawad ang mabuting pagganap ng municipal government sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto.

Sinabi niya na ang perang premyo ay ilalagay sa isang trust fund. “The DRRM council will identify where the money will be used and recommended to the legislative body for approval and disbursement,” ani Awingan.

Dagdag niya na ang napanalunang cash prize ng La Trinidad noong 2018 ay ginamit sa pagbili ng equipment para sa DRRM communication and information surveillance command center. Naglagay din ng closed circuit television cameras at ikinonekta sa DRRM center.

PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon