Laban ng Mayor sa COVID: Mahirap, kaya pakiusap huwag magpahawa

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang nahirap na laban ang binuno ni Mayor Benhamin Magalong sa coronavirus disease (COVID- 19) at nais niyang matuto ang tao sa kaniyang karanasan. “It was a struggle for me. So the lesson to learn here is to not get infected. Do your best to protect yourselves and your families to avoid a similar experience,” sinabi ng mayor ng siya’s bumalik sa upang
magtrabaho ng lubos noong Abril 19.
Maraming mga pasyente ang asymptomatic o nagkaroon ng mild symptoms ang hindi nakaranas ng malalang sintomas o komplikasyon habang nakikipaglaban sa sakit ngunit hindi lahat ay kasingpalad gaya ng kaso ng mayor.
“It was very different from all the other illnesses that I had experienced,” pagsasalaysay ng mayor. Sinabi niya na nagkaroon siya ng mild infection na hindi lumala sa pneumonia o anumang impeksiyon sa baga ngunit pinalala ng virus ang kaniyang rhinitis na nagdulot ng sobtang sakit.
Ang secondary bacterial infection ay nakaapekto sa kaniyang pagsasalita at nagdulot ng migraines at kinakailangan ang massive medication ng antibiotics, anti-allergy, decongestants at pain relievers.
Sinabi ng mayor na nawala ang kaniyang panlasa at pang-amoy at kaniyang gana sa pagkain, nagkaroon siya ng pakiramdam ng pagkabundat at hirap sa pagtulog gayundin madaling mapagod. Sa buong panahon ng kaniyang pagdurusa ay nanatili siya sa home care.
“Kulang ang hospital beds at marami nangangailangan e ako naman e mild (case) lang ako,” aniya. Pinaalalahanan niya ang mga tao na doblehin ang kanilang pagbabantay laban sa virus lalo na sa pagkakaroon ng mas nakahahawang variants.
“With the rate our infection is increasing, I suspect that the UK variant is now widespread in the city so please don’t let your guard down,” aniya. Sinabi ng mga awtoridad sa kalusugan na ang minimum public health standards ay nananatiling pinakamahusay na armas upang hindi mahawaan ng ng sakit: magsuot ng masks, hugasan ang mga kamay, mag-disinfect, iwasan ang pagsisikip, buksan ang mga bintana at manatili sa bahay hangga’t kaya.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon