LAHAT NALANG NAGMAMAHALAN?

NGAYONG darating na Martes – alam na natin kung anong petsa di ba? – sasambulat na naman ang
hindi maiiwasang says at tuwa. Rosas, tsokolate, regalo, pantasya at intimasya, lahat na ibinigay, mapaligaya lamang si Mahal. Isang araw ng walang kapantay na ligaya, sulit dapat, hanggang sa dulo ng walang hanggan. Sa tunay na pagmamahal, walang dapat humaharang. Sa dalisay na
pag-iibigan, sinoman o anuman ay hindi hadlang. Eh paano kung bawal?

Ang sabi nga ng mga pantas, ang bawal ay bawal, baliktarin man ang mundo. Husgahan man ng lipunan, habulin ng batas, itatwa man ng batas, ang bawal kasi lalo pang ginagawa, higit pang nanamnamin. Sa panahon ng makabagong pamamaraan, laging may dahilan. Kung kagustuhan daw, pagbigyan na. Kung sagad sa buto ang tawag ni kupido, sundin ang pusong nagsusumamo.
Hay! Ang pagmamahal nga naman. Itanong mo ke Romeo at Julieta, iisa lang ang kanilang kasagutan: pag-Ibig na hindi nahadlangan hanggang sa huling hibla ng hininga.

Ang siste, dahil panahon ng pagmamahalan, lahat na yata ay nagmamahalan na. Itanong mo ke Bellas Sibuyas, ke Boy Bawang, ke Kuyang Itlog. Walang pumipigil sa walang puknat na pagmamahal. Isang sumasabog na pagmamahal sa lahat! Mahal nya tayo, di ba? Pangarap
natin, pangarap din nya, di ba?#

Amianan Balita Ngayon