Lasing na lalaki, nasagasaan ng sasakyan

Isinugod sa ospital ng isang driver ang nabangga nitong lasing na lalaki sa Magsaysay Avenue.
Ang biktima ay kinilalang si Gonzales Pallar Ateo-an, 21 anyos, single, laborer at residente ng Km 4. San Luis Extension, Baguio City habang ang driver ay kinilalang si Dionisio Rota Rebultan, 51 anyos, may-asawa, residente ng Gabriela Silang, Baguio City at nagmamaneho ng Toyota Tamaraw FX wagon na may plakang TNF-675.
Ayon sa ulat ng pulis, nakatanggap ng tawag ang Traffic Enforcement Unit mula sa naka-duty na security guard ng BGHMC Emergency Ward bandang 5:45am ng September 17, 2017 tungkol sa insidente.
Napag-alaman ng mga rumespondeng imbestigador na ang insidente ay nangyari bandang 4:45am ng parehong araw.
Diumano ay hinahabol ng biktima ang isa pang lalaki papunta sa Slaughter Compound habang papalapit ang sasakyang minamaneho ng suspek at aksidenteng nabundol ang biktima na natumba sa kalsada. Ang insidente ay nasaksihan ng kasama ng biktima na si Jun Bongabong Fawas, 23 anyos, single, laborer at residente San Luis Extension, Baguio City.
Ang biktima ay nagtamo ng sugat at dinala ni Rebultan sa BGHMC para sa agarang lunas. Sumama sa hospital ang mga kasamahan ng biktima na sina Rico Gallardo, 22, single; Rene Lang-agan, 25, single; at Fawas.
Ang mga rumespondeng traffic investigators ay kinumpiska ang driver’s license ng suspek kabilang ang OR/CR ng sasakyan. Ang kaso ay nakabinbin.

Police Patrol

PSBRC

TULONG MEDICAL

AMIANAN POLICE PATROL

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon