Leksiyon sa COVID-19… Di pa ba sapat???

Daplis Walang Mintis

Tumapik angDaplis ninyo sa nakalipas na isyu at nangonsensya na dahil sa katigasan ng ating ulo…lomobo ng husto ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19. Halos hindi kapanipaniwala ang resulta, dahil bumaba na tayo samasmababa pa sa tatlong-daan noon ang naitalang nagpositibo sa bansa.

Ngunit nang dahil sa pagiging kalmanate ng marami nating kababayan lalo na noong Pasko at Bagong Taon….parang tsunami na rumagasa ang bilang ng mga nagpositibo. Habang sinusulat ang espasyong ito…umabot na sa lagpas tatlumpo’t dalawang libo. Ang kaso…may labing isang laboratory daw ang hindi nakapagsumite ng report. Sus ginoo…ibig sabihin na lagpas na lagpas tayo sa bilang na yon kung nakapagsumite sila.

Ngayong parang bulwak ng baha ang dami ng mga nagpopositibo…biglang humaba ang mga pila, pila sa mga magpapa-Covid test, at pila ng mga gustong magpabakuna. Idagdagmo pa yong mga pila ng mga bakunado na pero gusto nang magpa-booster. Anong ibig sabihin nito, pards? May mga natakot siguro – yong mga matitigas ang disesyon tutol sa bakuna.

Gusto na pala nilang maligtas kayCovid-19, bulong ng mga inis. Sabi na nga nila…kapag nagpabakuna ka, hindi lang para sa iyong kaligtasan kundi para sa buong bansa. Tapik naman ng mga analysts: malaking “factor” ang mga naglabasang mga pekeng balita o “fake news” kontra bakuna.

Social media ang sinisi. Kasi nga naman, kapag may namonitor ka sa social media, akala natin, totoo na. Malimit na hindi na tayo nagbibiripika. Tsk tsk..kung bakit kasi nauso pa ang internet, sabi nila. Andiyan na yan kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya.

Ingat na lamang, upak ngmarami. Maraming opisina at negosyo ang muling apektado dahil sa pagbabalik ng bagsik ni Covid-19 lalo pa’t nadagdag pa si Omicron na bagong variant at pinangangambahan pang makapasok sa bansa ang tatlo pang bagong variant galing sa Europa at Estados Unidos.

Mantakin mong nagsara ang Kongreso (Senado at Lower House) dahil sa dami ng mga tinamaang empleado. Katunayan, inamin nina Lacson at Gatchalian na tinamaan din sila. Mga senador na yan. Sa katunayan, pati nga si Lorenzana ng National Defense, AFP chief of staff,mga matataas na opisyal ng iba’tibang ahensiya ng gobyerno gaya ng DOH, mga pagamutan at sa public transports…tinamaan din.

Sa mga maraming natukoy na nagpositibo…nakakatakot isipin na sa dami ng kanilang nakasalamuha…mahihirapan ang contact tracing kung walang kooperasyon. Kudos sa mga taong nagbuboluntaryong magpaquarantine dahil may nakasalamuha silang nagpositibo. Eh, papano yong mga ayawlumantad dahil ayaw mamolistiya?

Maraming hakbang ang nagsulputan dahil sa paglobo ng bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19. Nariyang magsara muna ang ilang klinika o pagmutan. Nariyang minamadali ang paggawa ng mga gamot kontra Covid-19 at hindi na lang paggawa ng mas maraming bakuna. May plano pang pati na mga bata pataas…dapat mabakunahan na. Meron pang lumabas na ulat na dapat daw ay hanggang limang turok sa bawat tao upang maligtas tayo sa tama ng virus. Pero sabi naman ng WHO kamakailan, hindi sa dami ng turok ang solusyon kundi ang pagsunod sa mga health protocols.

Pati sa mga testing (kasama ang RT-PCR at antigen at quarantine), may mga panukalang pagbabago. Sus, ginoo, lalong kinabahan ang marami, pards. Pano kung sa ating pagluluwag sa patakaran ay magiging sanhi ng pagusbong muli ng bilang ng mga
magpopositibo? Kasi nga…isip-isipin natin na noon ay mga nakakatanda ang pinagiingat.

Pero natukalasan na pati mga sanggol ay tinatamaan na rin. Tapik ng mga maobserba: eh, papano kasi, naka-face nga ang magulang, pero yong akay na anak at pangkong sanggol ay wala neto. Natural, madali rin silang mahawaan.

Sabi nila, mas malakas dawang resistensiya ng mga bata kaysa mga damatan. Pero sa tala ..maraming batang edad ang tinamaan. Ang masakit pa, pards…mas mataas ang porsiyento (85 – 93%) na ang mga nasawi (ayon sa tala ng DOH) sa Covid-19 ay HINDI BAKUNADO!

Inuulit natin – walang sinisino-sino ang Covid-19. Kung di tayo susunod sa health protocol at tutol tayo sa bakuna….buong bansa ang apektado. Sa mga matigas ang paninindigan na hindi magpapabakuna dahil sa maraming dahilan…iisa lang ang pakiusap ng mga eksperto: alagaan ang sarili at palakasin ang immune system.

Ugaliing malinis ang katawan at gawing kalasag lagi ang face mask (pati na ang face shield) at sundin ang tuntunin sa social distancing.

Marami na ang nahuhuling mga lumalabag sa protocol. May mga nakasuhan na. Sumunod sa utos at tanggapin natin ang Leksiyon oAral nitong paglobo ng bilang ng mga nagpopositibo…bago tayo magsisihan sa bandang huli. Adios mi amor, ciao, mabalos.