LIMANG TULAK NG DROGA SA BAGUIO, NALAMBAT

BAGUIO CITY – Muling nakalambat ang mga tauhan ng Baguio City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ng limang drug personality sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod.
Sa isinagawang buy-bust operation noong Mayo 12, nalambat ang tatlong drug personalities na nakilalang sina John Denver G. De Guzman, 22, self-employed, identified as High Value Individual (HVI); Julia Irish S. Esperon, 20, online-seller at Aldrin Dave L. Gonnad, 22, sa may Purok Pidawan, Loakan Proper, Baguio City.
Nakatanggap umano ng intelligence information ang pulisya kaugnay sa illegal drug activities ng mga suspek, kaya ikinasa ang buy-bust operation. Ayon ulat, matapos magbenta an gang suspek ng isang sachet ng suspected shabu, na may timabang na 1 gram sa halagang P6,500.00 sa operative poseur buyer ay naging daan ito para masakote ang tatlong suspek.
Bukod sa droga na nakuha, ay kinumpiska din ng pulisya ang buy-bust money, black android cellphone, white iPhone, brown coin purse at isang red scooter na gamit nina Gonnad at De Guzman.
Dalawa pang drug pusher ang unang natimbog ng pulisya at PDEA na nakilalang sina Renzo Caraan Valdez, 25 at Rafael Leonor Cruz, 49, sa magkahiwalay na buy-bust operation. Si Valdez ay nadakip sa may Rizal Park, matapos makunan ng .3 grams ng shabu, samantalang si Leonor ay nasakote sa may Hamada subdivision, Queen of Peace at nakunan ng dalawang sachets ng suspected shabu na may timbang na 1.4 gram, buy-bust money at cellular phone.
Ang mga nahuling drug personality ay bunsod sa agresibong kampanya laban sa iligal na droga sa lungsod at ang mga ito ay pinagharap ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon