MANDURUKOT, WALANG KAWALA SA PULIS LA TRINIDAD

Isang ina ang naglalakad sa kahabaan ng Km.5 Pico, La Trinidad, Benguet ng mahalata niyang parang may kumakapa sa bulsa ng kanyang pantalon.
Pag kalingon isang di kilalang lalaki ang dumukot sa kanyang celpon. Agad sumigaw at humingi ng tulong ang biktima na umagaw sa atensyon ng isang traffic personnel sa gitna ng kalsada na si PCpl Marlon Esden.
Pagkalingon ni PCpl Esden ay nakita ang lalaking tumatakbo na tinuturo ng biktima. Sa walang pag-aalinlangan, hinabol ni PCpl Esden ang suspect at kanyang nahuli sa gitna ng kalsada.
Mabilisan din na nilapitan at tinulungan ng mga kasamang PNP at TAXU personnel si PCPL Esden.
Dinala ang suspect sa La Trinidad MPS main office para sa tamang pagsisiyasat.
Photo by La Trinidad MPS-Main

Amianan Balita Ngayon