Marso 19 idineklara ng Malakanyang na Non-working Holiday sa La Trinidad

LA TRINIDAD BENGUET– Idineklara ng Malakanyang ang Marso 19 bilang isang Special Nonworking holiday para sa La Trinidad, kapitolyo ng Benguet upang ipagdiwang ang ika-40 Strawberry Festival nito.
“It is but fitting and proper that the people of the municipality of La Trinidad be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies,” nakasaad sa Presidential Proclamation number 1112 series of 2021, na linagdaan ng Executive Secretary sa awtoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagama’t tiniyak ng Malakanyang ang mga seremonya (para sa Strawberry Festival) “(are) subject to community quarantine, social distancing and other public health measures.”
Ang pista, na ipinagdiriwang sa buong buwan ng Marso na nag-umpisa noong 1981 ay uppang isulong ang La Trinidad bilang “Strawberry Capital of the Philippines.” Noong nakaraang taon ay nakansela ang pista dahil sa takot sa COVID-19, lalo pa na ang humahakot ng maraming tao na aktibidad ay maaaring maging sanhi ng pagkalat ng virus. Ilalabas pa ng lokal na gobyerno ng La Trinidad ang mga nakalinyang aktibidad para sa pista.
(AAD-PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon