MASAGANANG KAPASKUHAN SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Hinikayat ni Mayor Benjamin Magalong ang mga residente na samantalahin ang masayang selebrasyon ng kapaskuhan kapiling ang pamilya at kaibigan, pero dapat panatilihin pa rin pagsunod sa health protocols para masiguro ang kaligtasan.
Ang paghikayat sa masaya at masaganang kapaskuhan ay ipinahayag ni Magalong kaugnay sa patuloy na pagbaba ng COVID cases at pagtaas naman ng bilang ng vaccination program sa siyudad.
“We earned it.Let’s enjoy our time with our family and friends but please don’t neglect your safety. Wear mask if you must, maintain physical
distance and proper ventilation, observe proper hygiene,” ayon kay Magalong.
Aniya, ikinasisiya ngayon ng city government ang pagbaba ng bilang ng infections, eased up quarantine status at protocols na nagbigay-daan sa muling pagbubukas ng kalakalan at tourism industries.
Sa ngayon ay itinaas na 5,000 daily ang acceptance ng turista sa Summer Capital, kaya’t kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang people mobility sa unang araw ng Disyembre.
Ayon kay City Health Officer Dr. Rowena Galpo, base sa Baguio metropolitan area mobility graphs ay nakita ang pagtaas ng bilang people movement sa parke,transit stations, retail businesses, recreational sites as well sa workplaces at residences, groceries at pharmacies.
Ayon kay Magalong, ang pagdami ng tao sa labas ay inaasahan na natin dahil sa muling pagbubukas ng ekonomiya para makamta naman ang masaganang pagdiriwang ng kapaskuhan. “Complacency is our biggest enemy now. Let’s not get carried away. We all worked hard to make our situation better, to have a better Christmas this year. Let’s not waste it by making the mistake of letting our guard down.”
“Hindi pa rin tayo maka-relax, pati ang ating mga health workers, kahit bumaba pa ang atig cases, dahil iniingatan natin ay ang banta ng Omicron virus, kaya patuloy pa din ang paghihigpit sa ating entry rules sa mga borders, lalo na sa bisita,”pahayag ni Magalong.
Aniya, “habang ini-enjoy natin ang masagana at masayang kapaskuhan ay panawagan ko lang sa ating mga residente na patuloy na gawin ang minimum health protocols at iwasan ang social gatherings with drinking, long meals in large groups, conversation without wearing a mask, living together in a small limited space or communal sharing, switching of locations while in a gatherings.”
“We are better off now in terms of COVID situation. It meant we were able to manage the crisis with the help of our frontliners and the community.”
Ayon kay kay Magalong, as of December 16, ang COVID-19 active cases sa lungsod ay nasa 16 na lamang, habang ang daily average cases ay bumababa sa 1 hanggang 3 na lamang, samantalang bumaba din sa isa ang daily death average sa mga nakalipas na araw at patuloy din ang pagbaba ng COVID-19 patients sa mga hospitals.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon