Mass wedding, isasagawa sa Setyembre 22

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Office of the City Social Welfare and Development (OCSWDO) ay mag-iisponsor ng isang mass civil wedding sa Setyembre 22, 10am sa SM Baguio.
Hinimok ni Mayor Mauricio Domogan at city social welfare and development officer Betty Fangasan ang mga pares na may planong ikasal at iyong mga nagsasama na mayroon at walang anak na lumahok sa matrimonial rites na isasagawa alinsunod sa Family Month celebration.
Pamumunuan ng mayor ang wedding ceremonies habang ang mga opisyal ng lungsod ang gaganap na sponsors.
Ang mass wedding ay isang institutionalized activity ng pamahalaang lungsod bilang bahagi ng social responsibility sa pamamagitan ng pagtulong sa mga unwed couples na gawing legal ang kanilang pagsasama na hindi gagastos nang malaki, ayon kay Fangasan.
Ang mga kinakailangang isumite ay birth certificates; certificate of no marriage (Cenomar) mula sa Philippine Statistics Authority (PSA); attendance ng Pre-Marriage Counseling ng Health Services Office sa T. Alonzo St. tuwing Martes mula 1-5pm at Huwebes mula 8am hanggang 12nn; tree planting certificates mula sa City Environment and Parks Management Office (CEPMO) sa City Hall (ang aplikasyon ay kinakailangang matapos dalawang araw mula itinakdang tree planting schedule tuwing Lunes or Miyerkules mula 9:30-10:30am).
Ang mga aplikanteng may edad 18-20 ay kinakailangang magsumite ng parents’ consent habang ang mga nasa edad 21-24, ay parents’ advice.
Ang mga pares na nagsasama nang mahigit limang taon ay kinakailangang kumuha ng Affidavit of Cohabitation mula sa Public Attorney’s Office (PAO) o sinumang legal officer sa halip na marriage contract. Kinakailangang sila’y nasa edad mahigit 25 anyos at dapat kumuha ng community tax certificates mula sa City Treasury Office.
Ang marriage contract o affidavit of cohabitation ay dapat maisumite sa City Social Welfare and Development Office sa Upper Session Road hindi lalagpas sa Setyembre 7.
Para sa iba pang impormasyon at katanungan, kontakin lamang ang CSWDO sa teleponong 442-3842 o 442-7893. A.P.REFUERZO / ABN

Amianan Balita Ngayon