MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS. Sige, makihalubilo tayo kay “MARITESS” at social media: Tuwing magPasko, may mga taunang gumagawa ng mga kung ano-anong survey. Kamakailan lang, sabi ng IBON Foundation…tumaas pa ang bilang ng mga naghihirap na dati nang naghihirap. Bakit?

Ayon sa survey…dahil daw sa taas ng presyo ng mga bilihin. Talagang ganyan ang magiging resulta ng survey dahil nga sa ganitong buwan tumataas ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Bakit? Malamig at makunat ang produksiyon ng langis. Idagdag mo pa ang alitan ng mga bansang pinanggagalingan ng langis at iba pang produkto. Hindi lang Pilipinas ang apektado. Buong
mundo.

Isa-isahin natin ang mga apektadong produkto bago magPasko: mga pang-noche buenang pagkain gaya ng lechon (litson), hamon at iba pa. Ismid naman ng mga talakera: eh bakit kasi palitson- litson pa tayo
samantalang na-pandemya na nga, eh? Hayaan na natin sila kung yan ang gusto nila. Marami naman tayong puwedeng litsonin gaya ng manok, pato, kambing, talong, este…basta marami na hindi lang baboy.

Reaksiyon ng mga mahilig sa taba: hindi masama ang lechon basta timplado ang ikarga sa bituka at hindi naman arawaraw. Mantakin mong abot pa sa libong piso ang taas-presyo nito. Samantalang sa mga
naghihirap na kababayan, hanggang tingin na lamang sila sa mga litsonan. Pati nga presyo ng “one day old” …tumaas din. Pati nga itlog ng pugo..high blood na rin. Sus ginoo…idagdag mo pa ang taas-presyo ng mga sangkap na gagamitin natin sa preparasyon ng noche-buena.

Kaya suhestyon ng mga praktikal: kahit simple lang basta’t sama-sama at nagsasaya ang buong pamilya…ayos na. Sa mga lansangan, kukutikutitap na naman sa mga dekorasyon. Pagarbuhan. Sa
dekorasyon pa lamang, kita mo na kung sino ang naghihirap at maalwan ang buhay. Yung iba, nakikipanood na lamang sa kapitbahay. Ang pang-parol daw ay pang-ulam na lamang. Sa mga mall, dagsaan ang mga shoppers.

Pero punado rin na kahit may mga “sales” di gaanong kinakagat dahil mahal din. Nag wi-window shopping”
na lang. Pero teka…bakit tila tahimik na tayo sa presyo ng asukal na kamakailan ay mataas? Dumating na kasi ang imported at anihan na rin ng tubo. Eh, yong puti at pulang sibuyas? Yan ang bagong nalalaho sa merkado. Sabi ng mga taga-Cordillera – para tipid, sa halip na sibuyas…mag-union leeks ka na lang, menos na, masarap pa.

Ang pamamasyal ng ating mga opisyal ng gobyerno (kung bakasyon nila)…pinupuna rin sa ganitong panahon. Kagawian na ng ating mga kababayan ang mamasyal kahit papano sa tuwing Christmas
season. Pati nga pagdalo ni Pres. Bongbong Marcos Jr. sa mga pulong sa Asya at Apec…pinupuna ng ilan. Sabi nila ay namamasyal lang daw ang pangulo samantalang marami pang dapat asikasuhin sa agrikultura na siya pa naman daw ang namumuno.

Sabat ng mga nakakaalam: hindi siya namamasyal kundi naghahanap ng pa-empleo para sa ating mga
kababayan at nanliligaw sa mga malalaking investors upang mamuhunan sa ating bansa bukod sa pagtalakay niya, kasama ang mga world leaders, sa mga mahahalagang isyu gaya ng pang-seguridad, kalakalan, ekonomya, climate change, hidwaan sa teritoryo, importexport at pagkakaisa ng mga bansa.M arami pa rin ang naghihirap at lalong maghihirap kung di tayo magsumikap.

Huwag laging palaasa. Tulungan din natin ang ating sarili. Makakaraos din, ika nga. At ngayong panahon…magingat sa mga peke: pekeng pera, pekeng produkto, pekeng serbisyo at pekeng tao! Adios
mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon