MISS AGOO 2023, MATUTUNGHAYAN SA MAYO 5

AGOO, La Union

Matutunghayan na muli ang kinasasabikang Miss Agoo pageant, matapos ang tatlong taong pahinga, na gaganapin sa Don Mariano Marcos Memorial State University-South La Union Campus oval dakong alas 7:00 ng gabi sa Mayo 5. Kilala ang bayan ng Agoo bilang isa sa mga “frontrunners’ sa larangan ng pageant,dahil nakakamit na ito ng 7-Peat sa Mutia ti La Union.

Ang search for the next Miss Agoo 2023 ay isa lamang sa maraming aktibidades sa ipinagdiriwang na Dinegneg Festival, na pinaghandaan ng municipal government, na gaya ng Pet show, Dinengdeng Grand Civic Parade, Street dance competition, Pammadayaw ti agoo, Inter-sectoral dance competition, Jobs fair, T-bak run, Mr and Ms. Uni T-bak, Concelebrated mass, Boxing competition, Bancatchon, Lumba bisikleta, B2B Carshow, Battle of the band an ang Live Concert sa nalalapit na 18th Dinengdeng Festival na may Termang, Ragsak, Rang-Ay, Rambak Agoo” “Inaasahan ko, magandang show.

Kasi nagbabalik na eh so hyped up din ang mga tao and as part ng show, ayoko ring madisappoint ang audience. And yung pagkakaroon ng magandang show is not just up to the organizers and the municipality but also sa amin na candidates. And on behalf of the candidates, we hope na magiging maganda ang show,” pahayag ni Binibining Zhandra Manongdo, Miss Agoo official candidate.

“Other than the usual preparations sa pageants like rehearsals, photo/videoshoots, pati talent, ako part din ng preparation ko is keeping myself healthy. I observe having balanced diet, maintaining healthy skin, being physically fit, mentally prepared, and of course having enough rest din.” dagdag pa ni Manongdo. Ang layunin ng nasabing patimpalak ngayong taon ay ipakita kung gaano kaganda at katalino ang isang Miss Agoo at isa ding layunin ay maibalik muli ang korona sa Agoo.

By: Godwin Anthony Niduaza UB Intern

Amianan Balita Ngayon