Moral ng pulisya mataas sa 6 na buwan laban sa Covid-19

Pulisya ng Baguio mataas pa rin ang moral matapos ang anim na buwan na paglaban sa kinakatakutang coronavirus (Covid-19). Mataas pa rin ang moral ng kapulisan, ani PCol. Rae Allen Co, hepe ng Baguio City Police Office.
Mahigit na anim na buwan matapos maideklara ang lungsod sa ilalim ng community quarantine, hindi pa rin bumababa ang moral ng mahigit 800 daan na miyembro ng BCPO, ayon kay Co, Miyerkoles, sa City Hall Hour
na ginanap sa multi-purpose hall ng Baguio City Hall.
“Kahit pagod ang ating mga pulis, hindi pa rin bumababa ang kanilang mga moral upang makapagsilbi sa ating komunidad,” ani ni Co. Doble doble ang naging trabahaho ng BCPO matapos ipasasailalim ang lungsod ng community quarantine nuong Marso 17 upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (Covid-19).
Maliban sa pagpapanitili ng kapayapaan at mapigilan ang krimen, dagdag pa sa trabaho ng BCPO ang pagtatala ng checkpoints sa iba’t ibang barangay at mga daang palabas sa lungsod. Ipanapatupad pa rin ng BCPO ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas singko ng umaga na kung saan mangilangilan o wala ng nahuhuling lumalabag, ani ni Co.
Eto rin ang nasabi no Co nung Mayo, bago maibaba sa general community quarantine ang lungsod sa isang press conference kasama si alkalde Benjamin Magalong. “Basta suportado kami ng ating mahal na alkalde, at ang buong City Hall, magsisilbi kami,” ani niya.
Eto ay matapos maatasan ang Philippine National Police na mag-implementa ng pagbibigay ng Social Amelioration Program ng gobyerno upang makatulong sa mga mahihirap sa panahon ng Covid-19, karagdagang trabaho na sinabi nyang pipilitin nilang ipatupad sa tulong ng lokal na pamahalaan. “Nakita ko naman na epektibo ang mga pamamaraang ginagamit ng ating mayor sa SAP, kaya eto ang ating gagamitin sa karagdagang trabaho inatas ng ating mahal na pangulo,” ani ni Co. Si Co ay nahirang na “best city police director” sa pagpapatupad ng mga programang laban sa pagkalat ng Covid-19 sa lungsod ng Baguio sa nakaraang Police Service Anniversary nuong Agusto 6.
Pigeon Lobien

Amianan Balita Ngayon