NHA siniguro ang relocation site ng 99 pamilya sa BGHMC

Siniguro ng National Housing Authority ang desenteng relocation site para sa halos 99 pamilyang informal settler, na kailangang umalis sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) compound upang magbigaydaan
sa expansion.
“I assure you that under President (Rodrigo) Duterte’s administration, resettlement housing will be decent and
convenient,” ani NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. matapos ang isinagawang pagtitipon kasama ang BGHMC management kamakailan.
Gayunpaman, nakiusap si Escalada sa mga informal settlers ng kooperasyon sa administrasyon ng ospital at sa
NHA. Tumatanggap ng average na 800 pasyente kada araw, sobra sa kasalukuyang 500 beds, ang state-run BGHMC ay naglilingkod sa buong Cordillera at kalapit na rehiyon.
Nakapagtala ang ospital ng average occupancy rate na 144.14 percent noong 2016 at 116.76 percent noong 2017,
kaya nagagamit ang mga hallways upang maaccommodate ang mga pasyente.
“Na-approve na ang law. Napirmahan na ni Presidente yung expansion from 500 to 800 beds. Pero ang tanong, saan
natin idadagdag yung additional 300 beds,” ani BGHMC Medical Director Dr. Ricardo Runez Jr.
Pinirmahan ni Duterte noong Setyembre 26 ang batas na pinapayagan ang BGHMC upang taasan ang kapasidad
nito mula sa kasalukuyang 500 beds hanggang 800.
Ang management ng ospital, ani Runez, ay walang balak na i-relocate ang sinuman, ngunit kukunin lamang ang mga
lugar na kinakailangan para sa paglawak ng ospital. Ang BGHMC reservation, aniya, ay may kabuuang 25 hectares, 5 hectares dito ay ginagamit ng ospital, habang ang 7.5 hectares ay inookupahan ng halos 300 informal settlers. Ang iba ay kilalang forestry at watershed areas.A ng planong expansion ng BGHMC, ani Runez, ay nangangailangan ng
karagdagang 2.5 hectares. “For the additional beds, it’s all good. But for the  additional facility, like the heart center, renal center, trauma center, and brain center, that’s where we will be needing more space for the expansion,” aniya.
Ani Runez, ang lugar na inookupahan ng mga informal settlers ay aabot ng 7.5 hectares, hihilingin lamang ng ospital ang kinakailangang lugar para sa expansion, iyon ay 2.5 hectares. Upang bigyang-daan ang pagpapatayo ng renal center, halos 99 pamilya ang inisyal na maapektuhan, aniya.
Ayon pa kay Runez, mayroong kasalukuyang kasunduan sa pagitan ng nakaraang administrasyon ng BGHMC at sa
mga dating empleyado ng ospital, na nagpatayo ng mga bahay sa pasilidad, na lilinasin ang lugar kung kailangan na ng ospital ang lugar. Gayunpaman, siniguro niya na hindi nila ide-demolish ang anumang bahay ng mga informal settlers hanggang mayroon ng relocation site, isang panuntunan ni Duterte mismo.
Nagmungkahi ang ospital ng relocation site para sa mga informal settlers – isang three-storey tenement housing na may 144 units. Ang renal center, ani Runez, ay makakadagdag ng bilang sa hemodialysis machines ng BGHMC mula 30 sa kasalukuyan hanggang 100, upang ma-accommodate ang pataas na bilang ng mga renal patients.
Sa kabuuang bilang ng mga pasyente ng BGHMC, 44 percent ay mga residente ng Baguio, 21.38 percent mula Benguet, 19.4 percent mula Pangasina; 4.52 percent mula La Union, 2.07 percent mula Nueva Ecija, 1.76 mula Mountain Province, 1.13 percent mula Nueva Vizcaya, 0.98 percent mula Ifugao at 4.4 percent sa iba pang probinsiya.
Para sa pagkukunan ng pondo, sinabi ni Runez na ang BGHMC ay nakikinabang mula sa koleksyon ng gobyerno sa sin taxes, na siyang pinagkukunan ng hospital modernization.
Ang 80 porsyento ng tax collection ay hinahati ng gobyerno para gamitin na subsidize ng medical needs ng indigent patients. Ang natitirang 20 percent ay ginagamit para sa development at modernization ng ospital, aniya.
“As of now, we are constructing the trauma center that will house the 100 beds. The multispecialty center will house the 200 beds,” paliwanag niya.
Nakatanggap para sa 2018 ng P170 milyon ang BGHMC para sa three-storey trauma center at panibagong P170 milyon para sa inisyal na pondo ng pagpapagawa ng multi-specialty center.
Ang trauma center ay may kabuuang construction budget na P400 milyon, habang ang specialty center ay nangangailangan ng kabuuang construction budget na P500 milyon.
“Our vision is for the trauma and the specialty center to be functional by 2022,” ani Runez.
Ang multi-specialty building ay isang eight-storey structure para sa heart center, lung center, brain center, at trauma center. Ang renal center at psychiatric complex ay magkakaroon ng hiwalay na gusali.
Ipinangako ni Senator JV Ejercito, chairman ng Senate committee on urban planning, housing, and resettlement, noong bumisita ito na gagawin nila ang makakaya sa Senado upang tignan ang pondo para mapatapos ang
pagpapagawa ng karagdagang pasilidad ng ospital at ang pera upang masiguro na operational ang pasilidad at hindi mawalan ng silbi kapag hindi natapos.
“These are most needed by our people. We will find ways,” ani Ejercito. Nangangailangan din ang ospital ng mga
karagdagang personnel. “We will be asking the Department of Budget and Management for additional plantilla
positions. The hospital, at present, employs 1,300 personnel,” ani Runez, at idinagdag na mangangailangan ng halos 2,500 empleyado ang BGHMC kapag natapos na ang expansion.
Sa kasalukuyan, nag-ooperate ang ospital sa P800 milyong budget at nangangailangan ng karagdagang P1.4 bilyon, sa oras na mayroon na ang 800-bed capacity at karagdagang tauhan. P.M.GEMINIANO, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon