Kaso ng dengue sa Cordillera, tumaas ng 97 percent

Iniulat ng Department of Health (DOH) Cordillera na ang mga kaso ng dengue fever sa rehiyon ay halos nadoble sa
unang 40 linggo ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Mula Enero 1 hanggang Oktubre 6, 2018, nakapagtala ang ahensiya ng 11 denguerelated deaths sa rehiyon kung
saan walo ay mula sa Cordillera at tatlo mula sa non-CAR provinces sa nasabing panahon kumpara sa 9 dengue-related deaths noong nakaraang taon. Sa walong namatay sa rehiyon, tig-dalawa ay nagmula sa Abra, Benguet at Baguio City habang ang tigisa ay galing sa Ifugao at Kalinga.
Ang naitalang kaso ng dengue ay mula sa Kalinga na may 1,139 na kaso o 19.2 percent; Benguet – 1,025 cases o 17.3 percent; Apayao – 887 cases o 15 percent; Abra – 829 cases o 14 percent; Ifugao – 568 cases o 9.6 percent; Baguio City – 418 cases or 7 percent; Mountain Province – 224 cases o 3.8 percent; at non-CAR provinces – 831 o 14 percent.
Base sa datos mula sa ahensiya, mas maraming kalalakihan ang naitalang naapektuhan ng dengue na may 3,161 o 53.4 percent sa kabuuang bilang ng naapektuhang indibidwal regionwide na may edad mula 4 days hanggang 96 years old at median ng 16 years old.
Inihayag ni Geeny Anne I. Austria, nurse V ng regional epidemiology and surveillance unit ng DOH-CAR, na
mayroong laboratory confirmed dengue virus serotype bawat probinsiya at bayan mula 2014 hanggang ngayon.
Sa kabilang banda, inihayag din niya na ang clustering ng dengue cases ay nakita sa lahat ng probinsiya ng Cordillera.
Ang dengue fever ay sanhi ng anuman sa apat na serotypes ng dengue virus kung saan lahat ng palatandaan ay naiulat na mayroon sa rehiyon.
Ipinaliwanag ni Austria na ang infected day biting female aides mosquito ay naglilipat ng dengue virus sa tao kung saan ang bilang ng dengue cases ay maaaring tumaas sa panahon ng tagulan at maaaring kumalat nang malawakan kung ang mga preventive measures ay hindi ginawa.
Ayon sa kaniya, ang pag-iwas sa dengue fever at pagkontrol ay maaaring maabot kapag ang mga residente ay susunod sa 4-s kontra dengue, particular ang sear ch and destroy sa breeding ground ng dengue carrying mosquitoes, self protection measures, seek early consultation at say no to indiscriminate fogging.
Pinaaalalahanan din ng mga opisyal ng DOH-CAR ang publiko na ipagpatuloy ang pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas ng kanilang mga bahay upang maiwasan ang posibleng pagdami ng mga dengue car rying mosquitoes na maaaring malagay ang mga buhay ng mga inosenteng tao na hindi alam ang seryosong epekto ng dengue fever kapag ito’y hindi mabigyan ng tamang medikasyon ng mga health experts na alam ang diagnosis ng nasabing viral infection.
Noong nakaraan, ang dengue ay na sa cyclical trend ngunit dahil sa pagbabago ng klima, naging year-round na sakit ito sa mga Pilipino. BAGUIO PIO / ABN

Amianan Balita Ngayon