“NO CEASEFIRE WITH REDS” SUPORTADO NG PROCOR

CAMP DANGWA, La Trinidad, Benguet – Suportado ng Police Regional Office- Cordillera (PROCOR) ang pronouncement ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang ceasefire o’ holiday truce sa pagitan ng New People’s Army ngayong taon, kahit na sa panahon ng holiday season.
Sa pahayag ni Pagkalinawan sa ginanap na Kapihan sa PROCOR hosted by the Philiipine Information Agency at PNP Press Corps, na nsang-ayon siya sa naging desisyon ni Pangulong Duterte, dahil naniniwala siya na ginagamit lamang ng kaliwang grupo ang matagal ng panahon na pagbibigay ng gobyerno sa kanilang kalayaan,para magipon ng tauhan,armas para ipanlaban sa pamahalaan.
“Ginagamit nila itong ceasefire para makababa ng bundok at manghingi sa malalaking kumpanya para sa kanilang panustos at kung minsan hindi sila sumusunod na kahit may ceasefire ay nagsasagawa sila ng ambus sa ating kapulisan at military.”
Ayon kay Pagkalinawan, napakaganda ang mga programa ng pamahalaan para sa kanila para lang maisulong ang kapayapaan at kaunlaran,lalo na sa ngayon na panahon ng pandemya.”Panahon na para harapin nila ang kanilang magandang kinabukasan sa tulong pamahalaan.”
Sa datos ng PROCOR, 30 NPA fighters at 70 Militia ng Bayan (MB) supporter’s ng mga left leaning organizations ang kusang-loob na sumuko at isinailalim sa programa ng pamahalaan mula Enero at unang linggo ng Disyembre ng taong ito.
Ayon kay Pagkalinawan, ang mga sumukong rebelde ay binigyan ng initial cash assistance, remuneration for every firearm surrendered, housing benefit mula sa National Housing Authority, educational assistance for them or their children if needed, skills training mula sa Technical Education and Skills Development Authority to capacitate them, a starter kit from the Department of Trade and Industry if they desire to start a business at numerous other opportunities to change their lives for the better.
Hinalimbawa ni Pagkalinawan ang isang surrenderee noong 2019 na nagtayo ng sariling negosyo kasama ang kanyang pamilya.
“Nagbago na ang buhay niya hindi yung hirap sa bundok na patakbo takbong walang kasiguraduhan ano ang mangyayari.”
Ang programang to End the Local Communist Armed Conflict (ELCAC) thru local peace initiatives ay ginawa ni Pangulong Duterte sa layuning matigil na ang kaguluhan, tungo sa kapayapaan at maunlad na bansa.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon