ONLINE SCAMMER, TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION

Headlines

BAGUIO CITY – Matagumpay ang isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na tauhan ng Baguio City Police Office, Police Station (PS1) – Naguilian Road at Regional Anti-Cyber Crime Unit –Cordillera (RACU-COR) na nagresulta sa pagkaaresto ng isang suspek dahil sa kasong Online Scamnoong Enero 13.

Nahuli ang suspek dahil sa reklamong isinampa ni Jeanina Ann Carpio, 24 at residente ng Queen of Peace, Baguio City, samantalang ang suspek ay kinilalang si Gemmalyn Villanueva Flores, 26,Ramon Mitra, Middle Quezon Hill, Baguio City.

Ayon kay Ms. Carpio, ang nasabing suspek ay nag-order ng mga gamit at flower money sa kanya sa pamamagitan ng facebook messenger at matagumpay na naihatid ang mga ito ngunit ang ipinakitang resibo ng suspek sa di umano’y kanyang bayad ay pekeng resibo ng Western Union.

Nakuha naman mula sa suspek ang isang boque na naglalaman ng 15 piraso 500 peso bill at 5 piraso ng 1000 peso bill.

Samantala, ang ibang boque naman ay naglalaman ng 60 piraso ng 100 bill boodle money, 80 piraso 50 peso bill bilang boodle money at isang itim na Nokia celphone.

Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng RACU-COR para sa dokumentasyon bago ang pagsasampa ng kaso para sa Paglabag sa article 315 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa section 6 ng Republic Act 10175.

(Press Release)