Online seller huli sa droga at baril(Anak ng dating ‘Drug Queen’)

BAGUIO CITY – Hindi nakapalag ang isang anak ng dating ‘Drug Queen’, nang salakayin ng magkakasanib na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Baguio City Police Office (BCPO), ang kanyang bahay at mahulihan ng iligal na droga,baril at bala sa may Magnolia St., Upper QM, Baguio City.
Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro, ang nadakip na si Alysia Allidem Singson, 29, online seller at tinaguriang High Value Target (HVT) ng PDEA.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Maria Ligaya V. Itliong-Rivera,ng Branch 5, RTC, Baguio City,noong Setyembre 14, hinalughog ng mga operatiba ang loob ng bahay nito at nakuha ang ani na plastic sachet ng shabu na timbang na 12 gramo, na may halagang P81,600; isang botelya na naglalaman ng transparent liquid 2ml suspected to be liquid meth; mga plastic sachet containing traces of white crystalline substance suspected to be shabu; 9 bala ng .38 caliber live ammunition; isang smith and wesson .38 revolver; isang shisha with marijuana design; dalawang glass tooters; tatlong improvised tooters; isang silver digital weighing scale at mga drug paraphernalia.
Ang suspek ay anak ng binansagang ‘Drug Queen’ ng PDEA na si Brenda Singson, na nahatulan ng life imprisonment sa kasong illegal drugs noong 2015, na ngayon ay nakakulong National Bilibid Prison.
Anak din ni Brenda si Chrsitopher Allidem Singson, na binansagang serial rapist, na nahatulang mabilanggo ng habambuhay sa kasong two counts of Rape with Homicide noong 2016, na ang mga biktima ay estudyanteng sina Cheska noong 2009 at Carmela noong 2015.
Pamangkin din ni Brenda si Errol Singson na nakulong sa Baguio City Jail dahil din sa illegal drugs. Ang asawa ni Alysia ay nakulong dahil sa droga.
Si Alysia na matagal ng sinusubaysayan ay source umano ng shabu sa ilang drug group sa siyudad, hanggang makatiyempo ang operatiba sa pag-iingat nito ng droga sa kanyang bahay.
Masusing ini-imbetigahan din ang source nito ng droga, na umano’y galing sa kanyang ina na si Brenda sa NBP, base sa ilang ‘remittances’ na narekober,pra matukoy kung sinu-sino ang konektado o’ nakikinabang sa kumakalat na droga sa lungsod.
Ayon kay Castro, pinoproseso ng PDEA ngayon na mai-deklarang ‘nuissance’ ang bahay ng Singson, dahil sa ginagamit itong transaksyon ng droga.
“Kapag dalawang beses ginagamit sa iligal na droga ang isang bahay ay puwede itong ideklarang nuisance, na ang ibig sabihin ay mawala sa kanila ang bahay in favor of the government at kung mangyayari ito ay puwede naming gamitin o gamitin ng gobyerno ang bahay bilang shelter ng mga abuse victim ng rape at iba pa,” pahayag ni Castro.
Ayon kay Castro, tatlong beses ng na-search warrant ang bahay ni Singson, kaya panahon na para maideklara itong nuisance,para hindi na gamitin sa kalakaran ng droga.
Umaasa tayo na maaksyunan ang kahilingang ito ng ating Sangguniang Panglungsod base sa ordinansa na nagdedeklarang forfeited ang isang bahay na ginagamit sa droga.
Zaldy Comanda/ABN

GCQ restriction extended

DRUG BUST

Amianan Balita Ngayon