P100K REWARD SA DATING SK KILLER

VIGAN CITY, Ilocos Sur

Nagsanib puwersa ang Ilocos Sur government at city government ng Vigan sa paglalaan ng P100,000 reward sa
sinumang makakapagturo sa suspek na pumatay sa dating Sangguniang Kabataan chairman na si Marionne Tugade, sa mismong kaarawan nito noong Abril 8. Si Tugade, 28, ay binaril sa loob mismo ng sasakyan nito sa may Quirino Boulevard, Barangay 6, Vigan City. Ang biktima ay anak ni dating Caoayan Mayor Mario Tugade at residente ng
Barangay Don Alejandro Querolgico, Caoayan, Ilocos Sur.

Ayon sa Inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang isang Sports Utility Vehicle kasama ang umano’y girlfriend nito, nang biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang mga armadong sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril ito sa mukha. Sinabi ng pulisya na maaaring makipag-ugnayan ang mga impormante sa mga numero
ng cellphone 09178607316 o 09989682940.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon