P21.6M marijuana plant, sinunog sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga – Muling naka-islkor ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agensy (PDEA) at Police Regional Office- Cordillera ng halagang P21.6 milyong marijuana plants mula sa kanilang tattling araw na operasyon sa bulubundiking lugar sa bayan ng Tinglayan,Kalinga.
Nabatid kay PDEA Regional Director Gil Castro, may kabuuang 12,000 square meter na lupain at natataniman ng 107,500 fully grown marijuana plants, kabilang ang 2,500 seedlings ang kanilang
nadiskubre sa Barangay Loccong,Tinglayan,Kalinga mula sa isinagawang marijuana operation noong Hulyo 7-9.
“Isa ito sa pinakamalakaing plantasyon ng marijuana na aming nadiskubre dito sa Kalinga. Hindi namin titigilan ang marijuana eradication at binabalaan naming ang mga cultivator na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” pahayag ni Castro.
Ayon kay Castro, bukod sa marijuana eradication, ang magkasanib na tauhan ng pamahalaan ay nagsasagawa din ng kampanya sa mga residente laban sa illegal drugs, lalong-lalo na ang pagtatanim ng marijuana.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon