P40-K na shabu nakumpiska sa isang Principal, kapatid nito sa Pangasinan

Nakumpiska ng mga awtoridad ang PhP40,800 halaga ng shabu at inaresto ang isang high school principal at ang kaniyang kapatid na lalaki na nakalista bilang high-value targets sa isang operasyon noong umaga ng Huwebes (Oktubre 14) sa bayan ng Alcala, Pangasinan.
Sa isang panayam ay kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan provincial officer Rechie Camacho ang mga suspek na sina Victor Dumlao at Winy Dumlao, high school principal.
Isinagawa ng mga operatiba ng PDEA Pangasinan at Ilocos regional office sa koordinasyon sa Alcala Police Station ang buy-bust sa Barangay San Nicolas, bayan ng Alcala.
“We have been monitoring the suspects for quite some time now,” ani Camacho. Sinabi niya na nakakumpiska sila mula sa mga suspek ng anim na gramo ng shabu at buy-bust money.
Sinabi ni Camacho na iniimbestigahan pa nila ang lawak ng aktibidad sa iligal na kalakalan ng droga ng mga suspek.
“They are currently under our custody while charges against them are now being prepared for filing,” ani Camacho.
(HA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon