P84 milyong halaga ng illegal drugs, nakumpiska sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Sa kabila ng kinahaharap na coronavirus diseases (COVID- 19) pandemic, ipinamalas ng Benguet Provincial Police Office ang kanilang dedikasyon sa mga implementasyon at kampanya laban sa iligal na droga, kriminalidad,insurgency,wanted persons at loose firearms sa lalawigan ng Benguet.
Umaabot sa P84,089,968.978 milyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska mula sa pina-igting na antiillegal drugs campaign mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.
Sa nabanggit na halaga ay kinabibilangan ng 243,501 fully grown marijuana plants; 78,085 marijuana seedlings; 153,037.35 grams dried marijuana stalks; 14,850 grams dried marijuana; 5,000grams marijuana seeds; 465.9357 grams shabu; 2.2018 grams marijuana fruit toppings at 34 kilograms marijuana bricks.
Ang accomplishment ay naisagawa sa pamamagitan ng 73 buy-bust operations, 50 marijuana eradication, 8 search warrants, 9 warrant of arrest, 2 checkpoints at 10 na police response.
May kabuuang 82 Top Most Wanted Persons ang nadakip, na kinabibilangan ng 1 sa national level, 3 sa regional level, 38 sa province level at 40 sa municipal level, samantalang may karagdagang 186 wanted persons pa ang nadakip at 273 sa warrantless arrest.
Sa Kontra Boga, may kabuuang 103 firearms ang nakumpiska, na kinabibilanga ng 6 na lumabag sa Republic Act 10591; 6 recovered at 91 surrendered. Sa counter-insurgency campaign ng BPPO ay 18 miyembro ng New People’s Army, kabilang ang isinukong 5 long firearms,1 submachine gun,1 pistol at 1 grenade, ang kanilang nahimok para sumuko at magbalik loob sa pamahalaan.
“This year has been very extraordinary, and unpredictable, but in its truest sense, has brought out in all of us the best owing to a true test of resiliency. It was full of trials and challenges, but was nonetheless accompanied by bountiful accomplishments and accolades,” pahayag ni Police Colonel Elmer Ragay, provincial director.
Ayon kay Ragay, ang accomplishments ay resulta ng patuloy na police-community relationship, na sama-samang lumalaban sa kriminalidad, na gawin at mapanatiling ligtas,tahimik na maging tirahan at maunlad na negosyo ang lalawigan ng Benguet.
“Sa kabila naman ng COVID-19 pandemic, ang kaugaliang Bayanihan Spirit ay patuloy na ipinaiiral ng bawat kapulisan sa mga mamamayan, upang sumigla ang pagtutulungan, lalo na sa mga nangangailangan.”
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon