Paglalaro ng baraha, nauwi sa saksakan

Nasaksak ang isang lalaki matapos maglaro ng baraha bandang 4:20pm ng Agosto 2 sa Km.3, JA 005 Pico, La Trinidad, Benguet.
Ayon sa imbestigasyon, naglalaro ng tong-it sa loob ng isang boarding house ang biktima na si Reil Ajon Campuso, 25, single, nakatira sa nasabing lugar, at ang suspek na si Malard Cogaybo Sachico, 20, single, residente ng Pico, La Trinidad, Benguet, nang magkaroon sila ng pagtatalo na nagresulta sa komosyon ngunit naawat din. Lumabas ang biktima sa boarding house nang mapansin nito ang dugong tumatagas sa tiyan kung kaya dinala agad ito sa Benguet General Hospital para sa agarang lunas. Inaresto ng mga rumespondeng personnel ng La Trinidad MPS ang suspek at kinumpiska ang ginamit na armas at dinala sa station para sa dokumentasyon at imbestigasyon. Inihahanda na ang kasong ipipila sa suspek sa Prosecutor’s Office.

Amianan Balita Ngayon