Panic…. Salot ng Lipunan!

Santa Clarang pinungpino…ilayo mo kami hindi sa Covid-19 kundi sa salot na PANIC. Grabe na talaga…ang Covid? Hindi…ang Panic. Lalo pa ngayon na nagdeklarana ang WHO na ang Covid-19 ay PANDEMIC na. Ibig sabihin nito ay buong mundo na ang apektado ng naturang sakit.

Ang resulta…grabeng panic saan mang dako lalo pa doon sa mga bansang marami na ang nagpositibo sa naturang virus at marami na rin ang namatay. Maryusep! Uriratin nga natin ire, pards:
******
Una sa lahat, kinumpirma ng mga dalubhasa lalo na i Dr. Rontgene Solante ng San Lazaro Hospital na huwag dapat magpanic kahit dumarami na ang mga nagpopositibo sa Covid-19 sa ating bansa. Hindi raw airborne ang transmission ng virus kundi close contact lang.

Ang mga taong walang sintomas ng Covid-19 ay hindi nakakahawa, ayon sa doctor. Lahat ng mga malalamang may sintomas ng Covid-19 ay hindi na nila pinapauwi kundi ikoconfine na agad. Maari daw na sa mga sumusunod na araw, ipagbabawal na rin ang pagtitipon ng mga grupo ng mga tao upang mailayo ang pagkalat ng sakit na ito.

Dagdag pa nga niya na ang paglilinis sa buong building na diumano ay pinuntahan ng pasyenteng nagpositibo sa Covid-19 ay hindi raw tamang gawin. Kung saan lang humawak ang pasyente ang dapat linisin. Tsk tsk…bunga siguro ng panic kung bakit kung ano-ano na ang naiisip na paraan para puksain diumano ang virus. Ang masakit, may mga hakbang namang sablay at parang “OA” daw ang dating.

******
Balita: ang epicenter ng Coronavirus (Covid-19) na Wuhan, China ay medyo humupa na raw ang transmission. Pero ang mga lugal sa labas ng China naman ang dumarami ang biktima gaya sa Iran, Italy, Japan at iba pa. Ibig bang sabihin na kung lumiliit na ang bilang ng mga biktima sa China, meron na silang pamamaraan o maaring gamot sa naturang sakit?

Kung meron, di kaya maganda na isiwalat naman sa buong mundo upang maputol si Covid-19 sa kanyang pananalasa? Sabi nga ng mga eksperto…para matigil na ang virus…dapat matukoy kung saan talaga nagmula ito.

Dapat matukoy kung anong uring animal ang tunay na pinagmulan upang maiwasan ng tao. Ang masakit kasi, ayon sa mga doctor…kapag tinamaan ka na ng Covid-19 at gumaling…puwede ka pa ring tatamaan ulit.

Sus ginoong mahabagin. Talaga palang delikado ito kaya di dapat ipagkibit-balikat. Ang panlaban lang dito, ayon sa mga eksperto ay palakasin ang “immune system”. Kung papano…kasama rito ang tamang pagkain, ehersisyo, tanggalin ang mga bisyo, sapat na oras ng tulog at higit sa lahat…huwag magpanic.

Ang magandang balita ay ang paniniyak ni Pres. Duterte sa kanyang talumpati sa General Assembly of the League of Municipalities of the Phil. Sa Pasay City kamakailan….na araw na lang ang binibilang para mabuo ang vaccine lalo’t masyadong advance na ngayon ang siyensiya. Dagdag pa niya na brightest of the brightist ang Amerika, Russia at Japan pagdating sa siyensiya kaya tiyak na gumagawa na sila ngayon ng mga pananaliksik upang makagawa ng bakuna kontgra Covid-19.

“With the great strides now of science, in a matter of days, I’m sure that Russia where the brightest of the brightest, America, Japan, they are working overtime to come up with the vaccine. It takes time pero, kaya na ng mundo, kaya na ng mga gobyerno, especially those who are rich in technology,” ipinaliwanag ni Pangulong Duterte. In short – huwag magpanic! Adios mi amor, ciao, mabalos! Hay Apo aya…..

Daplis Walang Mintis

Amianan Balita Ngayon