Para sa Pagkakaisa

Sama-samang nanumpa ang mga bagong opisyal ng Baguio-Benguet Muslim Association sa pamumuno ni Imam Sam Sonib, kasama ang mga sumusuportang Sultanate of Baguio-Benguet sa pangunguna ni Sultan Bod Torres, sa harap ni City Prosecutor Elmer Sagsago, sa ginanap na general assembly ng Muslim community sa Malcom Square, Baguio City, noong Pebrero 1.
Ang iba pang opisyal ay sina Vice President for Internal Affair Abdul Salam Calde; Vice Pres.for External Affair Abet Mona; Secretary Sajid Panansar; Treasurer Hansary Comaradang; Auditor Ali Tingaraan; PRO Haref Kasanguan.
Layunin ng samahan ang pagkakaisa sa kapatiran tungo sa maudlad na pamumuhay at suporta sa mga programa ng siyudad.
 
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon