Tatlo patay sa van na bumaligtad sa Kalinga

TANUDAN, KALINGA – Tatlong katao ang namatay, samantalang 8 ang sugatan, matapos bumaligtad ang kanilang sinasakyang van sa bayan ng Tanudan, Kalinga, ayon sa ulat ng Police Regional Office-Cordillera.
Ayon sa Tanudan Municipal Police Station, namatay on the spot sina Roderick Sucliyao, Marcelina Dupagan Sapon at Crisensia Cayangao, samantalang ang mga sugatan ay kasalukuyang ginagamot sa Kalinga Provincial Hospital at Almora General Hospital, na nakilalang sina Ralyn Lugao Dao-ayan, James Ballay Abuwak, Fernando Salvador Ducasao, Ariane Kathlyn M Dalanao, Leonida Abuwac Puctiyao, Hubert Abuwac, Francisca Dangpason Addagan at Nathaniel Dalanao Jr.
Sa imbestigasyon, ang mga biktima ay lulan ng Hyundai Grace van na may plakang LPN WSW 887 na minamaneho ni Jay-ar Ducasao ay patungo sa Tabuk City, dakong alas 6:30 ng gabi ng Pebrero 7.
Habang pababa sa kurbadang bahagi ng kalsada sa may sa Sitio Lonog Barangay Mabaca Tanudan, Kalinga, ang sasakyan ay bigla umanong nawalan ito ng kontrol na tumama sa concreate barrier at nagpagulong-gulong hanggang sa bumaligtad.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon