PhP100M handa na bilang stimulus package para MSMEs

LUNGSOD NG BAGUIO – Maglalaan ang pamahalaang lungsod ng nasa PhP100 milyon bilang bahagi ng stimulus package para sa kasalukyang micro-small and medium enterprises (MSMEs) sa oras na ang napalawig ang enhanced community quarantine sa buong Luzon ay naalis na at maumpisahan ang muling pagpapasigla sa ekonomiya ng lungsod.
Sinabi ni City Budget Officer Leticia O. Clemente na ang halaga ay mula sa realigned funds mula sa nakaraang mga di naipatupad na proyekto bilang interest free loans para sa MSMEs na nangangailangan ng pondo upang tulungang maibalik nila ang malakas na operasyon matapos ang quarantine.
Sinabi niya na gagawa ang finance committee ng lungsod ng mga panuntunan para sa stimulus package para sa MSMEs sa konsultasyon sa sektor na ihanda ang mga pondo para sa posibleng pagkuha sa oras na maalis ang quarantine at muli nilang mabuksan ang kanilang negosyo at maibalik kanilang kalakal gayundin matulungan maibalik ang trabaho at mapasigla ang ekonomiya ng lungsod.
Sa ilalim ng inisyal na panukala ng finance committee ng lunbgsod, maaaring makakuha ang MSMEs ng soft loans na babayaran sa loob ng 24 buwan at mapagbigyan ang lungsod na matulungan pa ang mas maraming negosyo na nag-aambag sa pagpupurisge ng lungsod na makalikha ng mas maraming trabaho at pangkabuhayan.
Ayon sa kaniya, sisiguruhin ng lungsod na ang mga pondong naibigay bilang soft loans sa MSMEs ay maibabalik sa kaban ng lungsod upang maiwasan ang nakaraang karanasan kung saan ang tulong pinansiyal sa mga kooperatiba at asosasyon para makabangon sila mula sa natural at gawa-ng-tao na mga kalamidad ay hindi na naibalik sa lungsod.
Ang stimulus package ng pamahalaang lungsod ay karagdagan sa gagawin ng ibang mga ahensiya ng gobyerno alinsunod sa mandato ng inter-agency task force on emerging and re-emerging infectious diseases na inatasan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na lumikha ng panuntunan sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon at paunti-unting pag-alis dito.
Inutusan ni Mayor Benjamin Magalong ang iba’t-ibang departamento na makipagtulungan sa iba-ibang sektor upang makuha ang kanilang inputs sa panukalang transition plan ng lungsod sa oras na magkaroon ng unti-unting pagtanggal ng ECQ upang masiguro na handa ang lungsod na ipatupad ang napagkasunduang tuntunin sasakop sa pagbabalik operasyon ng ilang sektor.
Sinabi ni Clemente na ang stimulus package para sa MSMEs ng lungsod ay magiging handa sa oras na matanggal na ang ECQ sa Luzon.
DAS-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon