PILIPINAS… NASA TAMANG DIRESIYON!!!

Base sa isinagawang survey ng OCTA nitong 4th quarter ng 2022….85% ng mga Pilipino ang kumbinsidong nasa tamang direksiyon ang ating bansa sa silong ng administrasyon ni PBBM. Anim na porsiyento lamang ang kontra. Pinakamataas ang pagsang-ayon mula sa Kabisayaan sumunod ang Luzon at panghuli ang Mindanao na may 84%. Sa ganang amin, magandang pamasko ito ni Pres. Bongbong sa ating kababayan liban pa sa kanyang mga panagako na higit niyang pagtutuunan ng pansin ang kabuhayan ng lahat lalo na sa hanay ng mga mahihirap. Sige, ating kaliskisan pards.

Bago sa lahat, habang sinusulat ang espasyong ito, katatapos lang nating gunitain ang araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, Supremo at nagtatag ng Katipunan na lumaban sa mga Kastila para sa ating bayan. Siya ang nag-iisa at tunay na bayani ng masa. May tanong: Bakit daw ang kanyang ika-159th b-day ang ginugunita at hindi ang kanyang kamatayan noong Mayo 10, 1897? Ayon sa mga dalubhasa sa kasaysayan….masalimuot at karumal-dumal kasi ang kanyang kamatayan.

Mantakin mong mismong mga tauhan ni Gen. Emilio Aguinaldo ang naggawad ng kanyang kamatayan. Di
ba napakasakit gunitain na si Bonifacio ay namatay sa kamay ng ating kapwa Pilipino? Kaya sa ganang amin ….tama lang na ipagpatayo siya ng mga monument (kauna-unahan noong Octubre 23, 1933) bilang
pagkilala sa kanyang kadakilaan at pagmamalasakit sa masa. Sa ngayon…marami din tayong
kababayang maituturing na mga bayani “in their own rights and category”. Mabuhay po kayo!

Kung ang inilaban ni Bonifacio noon kontra kanyon ng mga Kastila ay mga “itak” lamang….maihahalintulad natin ngayong panahon ang ating sandatang pagkakaisa at pagmamalasakit kontra kahirapan. Ito nga ang punto ni PBBM na magkaisa tayong lahat upang maisakatuparan ang lahat ng kanyang programa para sa ating bayan. Salamat sa kanyang paghimok sa ating mga kabaro sa media na siya’y alalayan at ipabatid sa masa ang kanyang mga pangarap. Tama rin ang pahapyaw kamakailan ng grupo ng mga may pagawa
na ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ay ang paghahanap at pagbibigay ng trabaho para sa lahat at hindi ang pagtaas ng sahod.

Dapat tularan natin ang ilang bansa na kapag nagbigay sila ng umento sa sahod…dagdag trabaho
muna kasabay ng tigil-taaspresyo ng bilihin. Kasi nga naman dito sa atin, kung ating suriin….sa tuwing may taassahod, nauuna pa ang taaspresyo ng bilihin. Tanong ulit: bakit daw hindi pa binibitawan ni PBBM ang pagiging sekretaryo ng DA (Dept. of Agriculture)? Iisa lang ang kasagutan dito, pards. Wala pang napipisil ang pangulo na maging kalihim ng DA. Sabi ng marami, tama lang dahil hindi pa naisasaayos ang mga mabibigat na problema sa agraryo.

Dapat mauna muna ang laman ng tiyan bago ang laman ng bulsa, di ba? Sabi nga ni BBM, may mga gusto pa siyang tapusin muna kaya hindi niya iiwan basta-basta ang kagawaran. Kung meron mang
listahan ang pangulo ng kanyang pinagpipilian…siya lang ang nakakaalam bagama’t marami ang nanghuhula na tiyak na ang ilalagay sa kagawaran ay may kakayanan at di matatawaran ang kanyang
serbisyo- publikong pinagdaanan. Abangan. Ilang araw na lamang, Pasko na. May mga handang-handa
na…pero marami rin ang hindi na ito importante basta’t sila’y may mailalaman sa sikmura.

Sabi naman ng iba, masaya ang kanilang Pasko dahil samasama silang magkakamag-anak. Que tayo ay kumikilala o hindi sa katuturan ng Pasko….magsaya tayo dahil “buhay” pa tayo at ninanamnam ang tamis ng buhay na hiram bago eto bawiin ng pinagmulan. Dalangin ng Daplis: magsikhay tungo sa tamang direksiyon ang pundasyon ng matatag na bukas. Adios mi amor, ciao, mabalos

SINGLE MALTREATED

MERGING THE BARANGAYS

Amianan Balita Ngayon