Pondo ng AFP,PNP retirees pension, ginamit sa pandemya

Sa kumakalat na video mula 2020 ni Anchor Mike Abe hinggil sa realignment ng P20B pension budget ng AFP at PNP retirees, sinisisi si Benguet Congressman Eric Yap, bilang chairman ng appropriation sa Kongreso at iba pang nasasangkot dito.
Nilinis mismo ni Abe sa kanyang pahayag sa video na kumalat sa social media ang akusasyon laban kay Yap. “Huwag na sana nilang gamitin ang video sa pamumulitika.”
Aniya, ang realignment ng budget ay hindi umano nanggaling sa Kongreso, kundi sa senado. Taliwas sa sinabi niya sa naunang video, naiintindihan na niya ngayon na nagbabago ang budget deliberation sa paglipas ng panahon at ang budget ay inilagay sa mabuti para sa COVID-19 response, na pangunahing kailangan talaga ng Pilipinas dahil nabigyangkatwiran na ng kongreso at senado kung nasaan ang budget ginamit.
Hindi rin aniya dapat gamitin ng mga pulitiko sa Benguet ang kanyang video nang walang pahintulot lalo na sa maling interpretasyon at may masamang intensyon.
Katwiran ni Yap, ang realigned budget ay sa katunayan ay isang buffer fund na iniingatan para sa anumang hindi inaasahang sitwasyon at
hindi ang kabuuan o regular na pondo ng programa.
Nagamit ang P3.5B para sa Transport Group para matulungan ang ating mga public utility driver sa gitna ng limitadong operasyon sa pagsisimula ng pandemya.
Ginamit ang P7B para sa Assistance to Individuals under Crisis Situation Program kasama na ang tulong para sa mga biktima ng bagyo.
Ang nasabing mas malaking budget sa imprastraktura ay pinasimulan din ng kani-kanilang ahensya at kasama rin dito ang COVID-19 Quarantine Facilities para sa buong Pilipinas.
Dahil dito, hiniling din niya kay Sec.Dominguez mula sa Department of Finance na ibigay ang P50B Supplemental budget sa bicam para sa ating AFP at PNP retirees na hindi nakakatanggap ng pension dahil sa epekto ng P70B regular program fund na inalis sa 2020 budget sa ilalim ng kamakailang chairman ng appropriation.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon